"Kapitan!"
Umangat ang mga mata ko sa pagdating ng chief officer. I narrowed my eyes on the paper he was holding. Tangina. Magdadalawang-isip na talaga ako kung uuwi pa ba ako ng Pilipinas o hindi na.
Sa dami ng pipirmahan ko for clearance, pudpod hindi lang ang dulo ng ballpen kundi pati ang daliri ko kakapirma. Hindi pa naman uso ang stamp dahil mas gusto nila ang wet signature.
"Meron pa ba?"
"Last na 'to, Kap! Malaya ka na kaagad," natatawang sagot ni Armando at inilagay sa lamesa ang halos isang ream na mga papeles bago siya lumabas ng opisina.
My contract has finally ended after 10 months, supposed to be dapat anim na buwan lang ang ilalagi ko sa barko ngunit kinailangan kong mag-extend dahil nagka-problema sa atay ang papalit sana sa'kin 4 months ago. Matagal bago makahanap ang agency namin ng bagong magmamando, lalo na't halos may mga katandaan na rin ang iba sa mga inaasahan ng agency.
I am one of the few captains na bata pa. At an age of 25, nagawa kong makarating sa pinakarurok bilang isang marino, na iilan lamang sa mundo ang nakakakuha. Most of my fellow captains are in their 40's kaya kapag may gathering sa agency, napapasabak ang atay ko sa inuman.
Hindi rin biro ang pinagdaanan ko papunta sa posisyon ko ngayon. All the extensive trainings, endless simulations, seminars, and times where I hadn't had any sleep just to pass, paid off.
Nang matapos ang mga need na pirmahan, tinawag ko si Armando through the comms to arrange the papers. While he was busy filing the papers, I went out of the office para bumalik sa kabina ko.
Kalat pa ang mga gamit ko magmula kagabi. Wala akong time para ayusin ang mga bagahe ko sa dami ng kailangang iplantsa para sa pag-alis ko mamaya. The paperworks were the last thing that I had to do.
Nang makarating ako sa kabina, inabot ko ang doorknob at pinihit ito. But as soon as I got in, a sound of confetti popping was heard throughout my room.
"Goodbye, Kap!"
"Hoy!" Agad kong wika nang makita ang mga kasamahan ko sa loob ng kwarto ko. They were still in their uniforms at may mga party hats sila sa kanilang mga ulo.
Nagkalat ang mga piraso ng papel mula sa confetti. May mga banderitas din na nakasabit sa kisame. Tumunog ang isang budots na kanta at nagsimulang magsayawan ang mga mokong.
Nakangiting napailing na lamang ako sa kanilang surpresa. I crossed my arms over my chest and watched them as they made a mess in my cabin. Aalis na nga lang ako, mukhang kailangan ko pang mag-overtime sa paglilinis ng kabina ko. Aba ayos!
"Sayaw, Kap!"
Hinila ako ni Renzo, isa sa mga oiler namin, papunta sa gitna ng kasiyahan. They were doing budots move at may pa lower pang nalalaman.
Hindi nila alam na noong nasa sinapupunan pa lang ako ni mommy ay nagbubudots na ako—yan tuloy, premature akong ipinanganak.
"Mga olats sa sayawan!" I teased at pumunta sa gitna para ipakita ang mga da moves ko. Sa mga da moves ko, talagang makakalimutan mo pati ang sakit ng paglimot niya sa'yo.
I moved my lower body back and forth, my hands following the rocking move. Naghiyawan at tawanan ang mga kasamahan ko habang pinapanood nila akong sumayaw kasama rin ang iilan sa kanila.
Our little fun continued for a while.
Nang humupa ang kasiyahan, napalitan naman ito ng kaynting kadramahan sa pangununa ni Armando. Ayos! Kung magdrama ay parang hindi rin siya aalis bukas.
"Thank you for the joy, the love, and pain..." aniya at ginawa pang mikropono ang serving spoon. "Because of you, my life has changed," hindi ko na siya pinatapos pa at kaagad na ibinato, sapul sa mukha, ang isang throw pillow.
BINABASA MO ANG
Crosswinds and Currents (SS #2)
Short Story"Through skies and seas... I'll always find my way back to you."