Chapter 8: Crew

782 53 12
                                    

~~~

Nasa Baskin-Robbins kami sa MOA. Dito kami kaagad hinila ni Percy as soon as we entered the mall. Nagpadala nalang ako sa hila niya.

Parang na-scam ata ako ng bata. Sa sobrang ligalig niya ngayon, parang hindi naman siya ata umiyak kanina.

"What flavor do you want, Lev?"

"Kahit ano," sagot ko kay Julian habang nakatingin sa mga flavor ng ice cream.

Hindi ako mahilig sa sweets. I even don't know what flavor I'd like to taste, kaya siya nalang ang papapiliin ko.

And, as expected, Julian gave me 'the look' in return.

Napapansin kong hindi niya gusto na vague ang mga answers ko sa kaniya. As an indecisive person outside work, nape-pressure ako kapag ganiyan siya. Kahit na hindi ko naman kailangang ma-pressure sa kaniya.

"Lev," he called, his tone tells me that I should be more specific. His eyes were already narrowing on me.

"Hindi ko pa nata-try na bumili rito. I don't know what flavor to pick, Jay."

I scanned the ice cream in front of me. Kahit sa kulay nalang sana. My eyes ended up lingering on the mint ice cream. Kakulay kasi ng lamesa sa kabina ko.

He sighed. "Do you want that one?"

Napansin niya siguro kung saan ako nakatingin. Tinuro niya ang kanina ko pa pinagmamasdan na ice cream flavor.

I nodded. "'Yan nalang, mukhang okay naman," sagot ko sa kaniya.

Lumakad na ako papuntang counter para magbayad ng inorder namin. Pero bago pa man ako makabunot ng wallet, biglang inilahad ni Julian ang isang itim na card.

"I'll be paying," he said.

"Kaya kong magbayad, Jay. Ako na, libre ko na rin to sa inyo," agad kong sabi sa kaniya at humugot ng isang libo sa'king pitaka.

"I know you can. But let me pay, Lev."

Nagpabalik-balik sa'ming dalawa ang tingin ng cashier. Maya-maya'y gumuhit ang isang pilyong ngiti mula sa mukha ng cashier. Kumunot naman ang noo ko sa reaction ni ate.

"Sino po ang magbabayad?" Nakangiting tanong ng cashier.

"Ako na miss," sagot ko at inilahad sa kaniya ang pera. "Need ko rin ng change for commute mamaya, Jay," pagbaling ko kay Julian.

He looked at me, hesitating to whether he'd insist or not. Napabuntong hininga na lamang siya at binawi ang card. Napangisi naman ako at inilahad sa cashier ang bayad.

"I'll take these to Percy," sabi ni Julian sabay kuha sa mga cups. Tumango ako habang hinihintay ang sukli ko.

I watched as he turn his back on me and walked towards Percy na kanina pa naghihintay sa'min. Tumikhim ako at ibinalik sa cashier ang atensyon ko nang marinig ko siyang magsalita.

"Ang gara niyo, sir. Yung iba rito nagtutulakan kung sino ang magbabayad. Tapos kayo parang ayaw magpatalo sa isa't isa." Lumawak ang ngiti ni ate cashier, parang kinikilig ata namumula pa, e. "Para kayong mag-asawa sa honeymoon stage."

Aba. Pangalawang beses na 'to, ah! Una, yung sa hospital. Tapos ngayon, eto. Parang napagkakamalan na kaming mga-jowa ng lahat. Napaka-assuming ng mga tao ngayon, sa totoo lang. Ayos!

"Ganun lang talaga kami, ate. Kaibigan ko siya. Please don't assume. May anak na po ako," sagot ko sa kaniya at ginamit si Percy bilang rason.

Pasensya ka na, bata. Ayoko lang madawit sa Tito mong pinaglihi sa sama ng loob. Hirap pa akong sambitin ang salitang 'kaibigan'.

Crosswinds and Currents (SS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon