Chapter 6: Swing

712 50 35
                                    


~~~

"Tito Sowen, wakey! Wakey!"

Naalimpungatan ako sa pag-alog ng kama at matinis na boses ni Percy. I felt my body bounce as the mattress slightly bumped under me. I groaned, refusing to open my eyes, despite the continuous motion coming from Percy's movements.

Ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos at tuloy-tuloy. Makakatulog na walang mararahas na alon na gigising sa natutulog kong diwa, at walang alarm clock na tutunog upang gisingin ako para magtrabaho. Ito na ang pinakamatinong pahinga ko matapos ang halos isang taon.

Kaya gusto ko pang matulog at manatili sa kama. But how can I, when there's a little ball of energy bouncing on the bed?

"Please, Percy, five more minutes..." I mumbled, groggily, sinking myself deeper into the mattress.

I shifted my body to the left at isiniksik ang sarili sa malaking unan na katabi ko. I wrapped my arm around it tightly. All I wanted was to get closer to something comforting and warm— a pillow. At hindi naman ako nabigo dahil gano'n ang ipinaramdam sa'kin ng unan.

"Wakey, wakey!"

I didn't heed his little whines. Instead, I stretched my arm and wrapped it around the bolster pillow. Mahigpit itong niyakap at ninamnam.

Napahinga ako ng malalim at satisfied na tumango-tango. Kahit na umaalog-alog pa ang ibang bahagi ng katawan ko, dahil sa mga pagtatalon-talon na ginagawa ni Percy, hindi nito alintana ang komportableng posisyon ko ngayon.

"Tito Sowween~" naiinis na pagtawag ng bata, ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.

Kahit na kahalati ng katawan ko'y tulog pa, hindi ko mapigilang mapaisip kung papaano ba siya nakapasok sa kwarto? Ba't ang aga niyang nagising?

But instead of dwelling on those thoughts, I let myself be comforted by the coziness of the pillow. Although it felt... different than the usual. It's quite warm, to be honest. Tamang-tama lang para labanan ang lamig ng aircon. Ramdam ko ang init nito sa'king pisngi. Ang lambot ng unan, kahit na may kaunting katigasan, sapat na para suportahan ang ulo kong nakapatong rito.

I inhaled deeply. May naaamoy akong kaunting halimuyak mula sa punda nito, amoy lavender. Kaya mas narerelax at mas nakakaengganyong matulog ulit.

"Tito Sowen, wakey na!" Nagkasalubong ang mga kilay ko sa matinis na boses ni Percy.

Umiling ako't mas lalong isiniksik ang sarili sa unan. Hinigpitan ang pagkakayakap. Hinaplos ang ibabaw nito. Medyo maumbok. Medyo kakaiba. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang mga dibdib ng mga babaeng na nahawakan ko noon.

Iba't ibang hugis. Iba't-ibang laki. Pero ba't mas satisfying 'to? Malambot na may katamtamang tigas.

Bago ko pa man namnamin ang unan. Mas naging marahas ang pag-indayog ng katawan ko sa kama dahil sa patuloy na pangungulit ni Percy. Napabuntong hininga ako nang mas lalong lumakas ang pagtalon ng bata sa mattress.

"Percy, please... five more minutes," halos nagmamakaawang boses na wika ko sa bata, gusto ko pang matulog kasama ang unan ko ngayon.

Ilang segundo pa'y huminto na ang pag-alon ng mattress kasabay ng paghinto ni Percy sa pagtatalon. Finally. Tumigil na siya, kaya naman inirelax ko ang aking katawan. Sa totoo lang, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Lalo na't naririnig ko ang sariling tibok ng puso ko. Malumanay ang bawat tibok nito na para bang hinehele ako para matulog muli.

Magpapadala na sana ako sa antok, ngunit bigla akong nakaramdam ng paggalaw mula sa unan—a slow, gentle rise and fall beneath my cheek. Kung iisipin kong mabuti... bigla nalang lumakas ang mahihinang pagtibok na naririnig ko kanina pa.

Crosswinds and Currents (SS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon