Chapter 5: Sleepover

932 49 6
                                    

~~~

"Here."

Napalingon ako sa kaniya na kakabalik lang mula sa pinasukan niyang silid. He handed me the clothes. Tinanggap ko ang mga ito at sinuri.

Would they even fit?

I mean, mukhang hindi naman kasya sa kaniya ang pajamas. Naliliitan ba siya sa katawan ko para ibigay ang medium na size?

Tinignan ko siya saglit at umiling. Nakamasid lang siya sa'kin na para bang binabasa ang isipan ko. Makikitulog na nga lang ako, magrereklamo pa.

Tumayo ako't tinapik ang kaniyang balikat. "Thanks, sa'n ako p'wedeng mag-cr?" I asked.

Nandito kami sa ikalawang palapag, sa mini living room na puno ng mga laruan ni Percy. Malawak ang ikalawang palapag kahit na may mga rooms. At kagaya sa ibaba, the decorations in this floor were meticulously crafted—mula sa mga display na vases hanggang sa malaking golden-colored wings figure nakadikit sa dingding.

The whole floor screams untouchable, maliban lang sa mini living room na halatang area ni Percy.

"Doon," sagot niya at tinuro ang isang pintuan.

I nodded in response and walked to the direction he told me. Galing kausap, hindi specific ang ibinigay na lugar. Limang pintuan ang nasa ikalawang palapag, malalaman ko ba kung saan 'yung 'doon'. Ayos!

On the way, I couldn't help but notice the little airplane toys na nakadisplay sa glass boxes. Talagang pangarap niyang maging piloto siguro, 'no. May mga pictures din na nakasabit sa dingding and most of them were Percy's.

Nang makarating ako sa harap ng itinuro niyang pinto, hinawakan ko ang knob at pinihit ito. Hindi ako nagkamali dahil may label naman pala ang banyo.

Buti pa ang banyo rito may label.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan, bumungad sa'kin ang mahalimuyak na lavender scent. The scent filled my nose. Napaatras ako't tinignan ang kabuuan ng banyo mula sa pintuan.

Kingina! Nakakahiya naman mag-cr kung gan'to ka bango ang banyo. Nakakakonsensyang haluan ng amoy ng tae.

Muli akong namangha. Ang laki ng kaniyang banyo, kulay puti ang pinta na may gold accents. Well lit pa ang space at kumpleto sa gamit. Parang nasa hotel ka lang.

"May problema ba?" Rinig kong tanong niya mula sa living room.

I took a glimpse of him. "Wala. Ang gara ng cr mo, pare. Nakaka-conscious gamitin," sagot ko sa kaniya.

Umiling siya. "Feel free to use anything in there," he said and motioned me to get inside.

P'wede bang iuwi ang iba? De joke.

As if hindi ko afford ang mga gamit ng banyo niya. Makilala ko lang talaga ang architect at interior designer na 'to, sa kanila ako magpapagawa. Sobrang pulido ng mga materyales na ginamit at paniguradong mahal din ang bili ng mga ito.

Inilagay ko isang tabi ang pampalit ko. I went inside the shower and took a bath. Inabot ko ang shampoo, pati sisidlan nito'y puti at gold. Gano'n din sa iba pang mga kagamitan. Mahilig yata siya sa puti at ginto... pati rin sa lavender.

Kaya ang halimuyak ng buhok ko, amoy lavender. Kung 'di ko lang kilala ang may-ari ng bahay na 'to, aakalain mong babae, e.

Pagkatapos maligo't patuyuin ang sarili, nagbihis ako. Isinuot ko ang bigay niyang asul na pajama. Silk ang tela kaya malamig sa balat. Pero hindi ko inaasahan na medyo masikip ito sa katawan ko.

Hindi pala medyo, sobrang sikip. Lalo na sa biceps area. I don't work out that much, unlike Hugo, pero malaki pa rin ang katawan ko for the medium sized pajama.

Crosswinds and Currents (SS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon