~~~
I needed a distraction from what had happened in the bathroom. Kaya uminom ako nang uminom. At sa bawat pag-inom, unti-unti rin pumapasok sa isipan ko ang mga posibilidad na baka totoo ang mga paratang niya.
Hanggang pag-inom lang ang nagawa ko. Imbes na may makasiping, umuwi akong mag-isa't problemado pa. There were some advances from girls, but I refused. Aside sa nawalan ako ng gana...
Hindi ako maka focus sa page-enjoy habang binabagabag ng konsensya ko. I can't have fun while my mind's clouded with confusion and questions left unanswered. Marami pa akong gustong itanong sa kaniya pero hilong-hilo ako sa mga nangyare sa banyo. I didn't see any shadows of him when I got out.
I left the party earlier than expected.
Hindi ko na rin nahintay pa si Lucian. Nagreklamo si Lionel dahil ang aga raw ng alis ko. I haven't told them about the encounter. Babawi nalang ako sa susunod kapag maayos na ang lahat. At hindi ko muna sasabihin sa kanila hangga't maayos na ang lahat.
I prefer to fix things privately. May kaniya-kaniya kaming nga baggages, hangga't kaya kong ayusin ito ng ako lang, gagawin ko. Isa pa, ayokong biglain din sila. Dahil, tangina! Nagnight out lang kami, naging tito na agad sila.
Two days after that encounter, walang may nagparamdam sa'kin. That's why I thought na baka mistaken identity lang 'yun. We exchanged numbers naman, kaya imposibleng hindi niya ako hahabulin.
Baka namali lang talaga siya...
But I guess it was too soon for me to assume that.
I reached for my phone, groaning, dahil kakagising ko lang at mabigat pa ang pakiramdam. Magkasalubong ang mga kilay ko habang tinititigan ang text mula sa isang hindi kilalang numero. Sunod-sunod ang mga texts mula sa kaniya.
Unknown number:
Wake up.
Soren Tanchuan:
Sino 'to?
Unknown number:
Guardian ng anak mo.
Ang bilis ng kaniyang mga reply, pero hindi naproseso kaagad ng utak ko ang kaniyang huling sinabi. Guardian ng anak... he finally showed up.
Napakusot ako sa'king mga mata at napabangon kahit na hindi pa nais ng katawan ko. Napahilamos ako sa'king mukha.
I dialed the number. Hindi pa man nakakalipas ang ilang segundo ay sinagot na niya ito.
"Soren," his warm voice welcomed my ear.
Anong warm ka diyan, Soren? Tangina.
Ibang-iba ang kaniyang pananalita. Para siyang mabangis na aso kagabi na nanunugod nalang bigla-bigla. Pero ngayon, ang lumanay ng kaniyang boses.
Tumikhim muna ako bago magsalita. I had to check if it was really the guy I met days ago. Ngayon lang ulit siya nagparamdam.
"Julian," I called.
"Hmm?"
"Ikaw 'to, hindi ba?"
"Yes, ako ito."
Aba putcha! Ba't ang lambing-lambing ng boses niya sa telepono? Kung babae 'to, iisipin kong nilalandi ako ng lintek!
Or assuming lang talaga ako.
Maybe he's really like this kapag hindi nakainom. Because damn, kung ganitong boses—yung parang hinahaplos ka sa bawat salita—ang ginamit niya kagabi sa'kin, baka naniwala ako kaagad na may anak ako.
BINABASA MO ANG
Crosswinds and Currents (SS #2)
Nouvelles"Through skies and seas... I'll always find my way back to you."