KABANATA 1

11 2 0
                                    

"Sasama ka na?" nakangiti kaagad si Lorraine nang makita ang bag ko na may extra na damit. Ngayon kasi ang usapan na maliligo sa Boay-boay.







"Ata? Hindi pa ako sigurado pero nagdala ako. Baka may kailangan akong gawin mamaya, eh"










"Wala 'yan!" sumabat si Rhea "Saka ang bata mo pa para asikasuhin 'yang negosyo niyo"









"Rhea, ako la----"











"Oo na. Ikaw na inaasahan" putol niya sa sasabihin ko.










"Hindi 'yan sasama si Cyrine. Maselan ang balat ng mayayaman" inirapan ko si Lenard. Trip talaga niya akong asarin palagi.









"Magdesisyon na kayo para hindi na tayo papasok mamayang hapon" ani Dianna.











Whole day ang pasok sa probinsya. Ang plano kasi kung lahat ay sasama hindi na kami babalik dito sa school.










Sa huli ay nagkasunduan na maliligo nalang pero dumaan pa muna kami sa bahay ni Lorraine para manguha ng mais. Meron daw silang bagong ani na mais ngayon. Si Rhea naman ay may dalang mga chichirya at juice. Si Dianna ay may dalang kanin at ulam.










"Bawi nalang ako pagpunta niyo sa bahay" mahinang sabi ko. Wala akong dala dahil nakalimutan kong magpaluto.










"Ayos lang 'yon. Parang hindi ka naman kaibigan" niyakap ako ni Dianna.










"Pucha! Ano ginagawa nila rito?!" napatingin kami roon sa tinitignan ni Lorraine. Grupo ng mga lalaki na may kasamang iilang babae na kilala ko. Nagkatinginan kami nung lalaking pinakamaputi sa lahat.











Hindi ko alam ang pangalan niya pero palagi kaming nagkakatinginan sa school. Maputi, matangkad, mukhang malinis, matangos ang ilong, malakas ang appeal, at kabog ang facial features niya. Sa tuwing nakikita ko siya ay wala siyang imik. Masyado ring maganda ang katawan niya para sa 14 years old.









"Oy, Jovanni!" nakipag-apir si Lorraine sa isa sakanila.



"Ang bantot talaga ng pangalan ko kapag ikaw ang tumatawag!" reklamo nung Jovanni.













Nagtawanan sila saglit doon. Napatingin sa'min ang iba sakanila hanggang sa lahat sila ay nakatingin na. Rinig ko ang sipol ng ilan sakanila kaya si Rhea at Dianna ay nagtapis ng tuwalya. Ako naman ay umastang walang naririnig, nakashort naman ako at ano naman kung malaki ang dibdib ko?










Tinali ko nalang ang buhok ko at habang ginagawa 'yon ramdam kong may nakatingin sa'kin.










Pumwesto sila sa medyo malapit lang sa'min. Balak ko na sana silang hindi pansinin kaso binati ako ng ilang babae na kilala ko.












"Alam ba ni Koah na nandito ka?" nakangiting tanong ni Desiree, girlfriend siya ni Koah and Koah is my cousin. Si Koah ay panganay na anak ni tito Kino.











"No. He doesn't need to know naman" I smiled a bit. Ayokong magmukhang mataray. Well, she's nice naman sa'kin kapag nagkikita kami sa school at kapag nasa bahay ni tatay.












"Si Axcel pala kumusta?" tanong din ni Queny, girlfriend ni Axcel. Axcel is one of my helpers sa farm and we're friends.










"He's fine" matipid kong sagot.









Mukha ba akong tanungan ng tungkol sa mga boyfriend nila?










Patalikod na sana ako kaso ay hindi ko napigilang umirap at alam kong nakita niya 'yun dahil nakatingin siya sa'kin. He bit the inside of his cheeks, trying to stop himself from smiling. Bahagya pa siyang yumuko. Tumalikod nalang ako at naligo.










"Dito nga kasi tayo dumaan!" pilit akong hinatak ni Rhea sa kabilang side ng hallway.











"May gusto ka lang makita diyan!" pang-akusa ko kaagad.











Tumawa ang tatlong kaibigan ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpahatak nalang. Ano bang laban ko sa tatlo?











Sinasabi ko na!









Nagkatinginan kami nung lalaki at gano'n nalang ang tawanan ng mga kaibigan ko.










"Rhea? Nang-aasar ka ba?"










"Ops" umakto siyang susuko "Kelsey Cyrine serious mode on" akma ko siyang hahampasin kaso ay mabilis siyang nakailag "Wala akong gusto makita. May gustong makita ka meron!"












Ewan ko ba sa mga 'to at palagi nalang akong inaasar.











"Try mo kaya magkaroon ng crush, Kels. Ang daming nagkakacrush sa'yo, mamili ka nalang kung sino do'n ika-crushback mo" nakangiting suhestiyon ni Dianna.













"Mas madali pa kay Kelsey magmanage ng negosyo kesa magcrushback" sabat pa ni Lorraine.










Umirap ako. It's true naman kasi.








"Hindi pala naideliver 'yung mga gulay sa San Juan?" kita ko kung paanong natigilan ang tauhan namin dahil sa tanong ko.









"Miss Cy, sinabihan ko si Axcel na tawagan si Manong Teryo para ipaayos 'yung truck. Akala ko okay na"











"Seryoso ka diyan? 'Akala' mo pala? Trabaho mo magdouble check!" medyo tumaas ang boses ko kaya napatingin sa'min ang ibang mga tauhan "Tawagan mo ang pagdedeliveran ng mga gulay sa San Juan, pakiusapan mong ihahabol ang gulay nila ngayon. Pagkatapos mong tawagan, tawagin mo si Axcel at Manong Teryo. Dumiretso kayo sa opisina ko"











Nagpalit ako ng damit kung saan mas kumportable ako. Kumain na rin ako para mamaya pag-uwi diretso tulog na. I did my assignments while waiting for them.














"Axcel, sinabihan ka ni ate Grace na tawagan si Manong Teryo?"













"Oho, miss. Ang sabi ni Manong Teryo ay padalhan siya pangbili ng piyesa. Sinabi ko naman kay ate Grace" ani Axcel.













"Grace?" baling ko do'n sa tauhan namin. Nakagat niya ang ibabang labi.












"Nakalimutan ko ho magpadala dahil inuna ko ho ang weekly report na pinasa ko sa inyo"













"Sinasahuran kita para magtrabaho at hindi para maging tanga. Kung ang weekly report ang hindi mo naipasa maiintindihan ko pa. Lumabas na kayo"

















Lumabas silang nakayuko. I don't want to say those words I said earlier, ayoko lang maulit ang nangyari noon kung saan isa sa mga tauhan ang pumalpak at kung anong masasakit na salita na ang sinabi ni mama sa'kin. Tita Keycee also said na even I'm thirteen kailangan hindi nila makita sa presensya ko 'yun, I should look and act mature. Ang aga ko magmature masyado.

All Of MeWhere stories live. Discover now