KABANATA 5

3 0 0
                                    

"Anong meron diyan?" tanong ni Dianna, nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin alam.





"Ano 'yan? Gangsta shit?" natatawang tanong ni Lorraine.





'Yung mga kalalakihan kasi they were making some gangsta pose. Naagaw lang ni Silver ang tingin ko dahil he's the only one doing the thumbs up pose while smiling. Tumingin siya sa'kin at lalong ngumiti.





"Ako ba nginitian?" kinikilig na tanong ni Rhea "Aray!" reklamo niya dahil binatukan siya ni Lorraine.






"Anong meron, Cyrine?" kaduda duda kaagad ang tingin ni Lorraine sa'kin.





"What? Wala" nauna akong maglakad, still look serious.





"Kapag totoo 'tong hinala ko yari ka sa'kin ha!" banta niya habang sumusunod.





I didn't react. Tumawa si Dianna. I didn't tell them what happened last time. Ayokong maniwala na gusto ako ni Silver.






"Cyrine!" pawis na tumakbo papunta sa'kin si Jaiceon "Hinanap kita nung nakaraan hindi kita mahanap"





"Why are you looking for me?"





"Namiss ka raw!" sabat ni Freo, kaibigan ni Jaiceon.





"Uuuuuyyyyy!!" panunukso nila.





"Hindi ka na kasi bumalik kay mini. Nung foundation day hindi rin kita mahagilap"





"Nabusy ako"





Totoong nabusy ako na kahit nga magbreakdown ay hindi ko na nagawa. 'Mini' ang tawag namin ni Jaiceon doon sa maliit na bundok, 'yung pareho namin paboritong tambayan.





"Sino 'yang mini?" chismosang tanong ni Lorraine.






Sabay kaming natawa ni Jaiceon at hinayaan nalang siya.





"Kanino galing 'yan?" tanong ni Dianna when she saw me holding three pieces of rose and flowers na halatang kinuha lang sa gilid gilid na tinalian ng red wire.





"Hindi ko alam. Nakita ko lang dito sa desk ko at wala ring sulat" sagot ko.





"Sa'yo ba galing ang mga bulaklak na nasa desk ko kaninang umaga?" tanong ko kay Silver.





"Mga?" ulit niya, I nodded "Galing sa'kin ang roses"





Palabas na rin sana ako ng gate nang mapansin ko ang grupo ni Jaiceon na nakatingin sa'kin at nagtutulakan.





"May sasabihin ba kayo?"





"Kelsey, nagustuhan mo raw ba 'yung bulaklak kanina?" natatawang tanong ni Alrence.





"Sa inyo galing yung mga pinitas na bulaklak kanina? 'Yung nakatali sa pulang wire?" tumango sila at nagtawanan.






"Ang pangit 'no? Bugok talaga makaisip si Ice, e!" tumawa nang malakas si Jovanni kaya tumingin ako kay Ice na hindi makatingin sa'kin.





"Ikaw nagbigay nun? Bakit 'yun ang naisip mo?"





"Ahh" nakamot niya ang batok "Kasi... naisip ko, aanhin mo ang mamahaling bulaklak kung kaya mo namang bilhan ang sarili mo nun. Gusto kong ibigay sa'yo ay ang mga bagay na hindi mo kayang bilhin para sa sarili mo"





All Of MeWhere stories live. Discover now