KABANATA 2

11 2 0
                                    

"Miss Cy, pinapatawag po kayo ng tatay niyo" ani Axcel.





Kinuha ko ang bag at nagpahatid na sa bahay ni tatay.






Desiree and Koah was there. Nagluluto ata sila ng meryenda.





"Oh. You're here" sabi ko at niyakap si Desiree.





"Yeah. Sabi kasi ng pinsan mo lutuan ko siya ng camote que"





I smiled at that.






"Tatay is in his office. Puntahan mo nalang doon" mahina akong tinulak tulak ni Koah palabas ng kitchen.





"I have no plans on disturbing your home date 'no" I rolled my eyes.





Hindi rito nakatira ang pamilya ni tito Kino, they are staying near the city. Bumibisita lang dito ang mga pinsan ko every weekends o kaya kapag bakasyon, walang palya.






"Tatay" I said as I entered his office.





"Nananghalian ka na ba?"





"No"





"Dito ka na mananghalian. Nandito naman ngayon ang mga pinsan mo" I nodded "Nga pala asikasuhin mo 'yung costumer sa bukana. Nagrereklamo dahil may sakit daw 'yung mga baboy na binili nila"






"Tatay, nandiyan naman si tita Keycee"





He sighed.





"Alam mong hindi maaasahan 'yun. You know I trust you so much, Cyrine. Sa lahat ng miyembro ng pamilyang ito, ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Besides, ikaw ang magaling kapag nakikipag-usap"







Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Nananghalian ako sa bahay nila tatay. Everyone is here bukod kay mama of course.







"Miss Cy, may problema tayo sa pabrika. Si ate Beth umalis dahil may emergency daw at may sira pa ang isang makina" nasapo ko nalang ang noo at pinuntahan ang pabrika.







Pagdating ko ay inaayos na ang isang makina at si ate Beth ay nasa sulok habang umiiyak.






"Ate Beth" tawag ko.







Tinignan niya ako. Umiiling siya habang nagpupunas ng luha.






"Napakawalang puso ng pamilya niyo, miss Cy"






"Anong nangyari?"






"Ilang araw na akong nakikiusap na kung pwedeng i-advance ang sahod ko dahil naubusan ng gamot ang tatay ko. Hindi sila pumayag sa pakiusap ko. Ikaw sana ang kakausapin ko kaso hindi kita matiyempuhan at sabi kasi kapag tungkol sa pera, sila ang kakausapin namin. Ngayon sinugod ang tatay ko sa hospital"







"Kanino ka nakiusap?"






"Sa tito Lito niyo po. Sabi niya ipapaalam niya raw kay ma'am Keycee pero walang nangyari"






Ewan ko at bigla nalang akong nakaramdam ng galit. Naglabas ako ng pera at binigay kay ate Beth.






"Tito!!" malakas kong sigaw pagpasok ko sa bahay ni tatay.





Nagsilabasan silang lahat. Binaba ni tito Lito si Keofe saka ako hinarap.







"Alam mo ba ang nangyari dahil sa kadamutan mo? Tatay ng trabahador ko sinugod sa hospital dahil sa kadamutan mo!"






All Of MeWhere stories live. Discover now