KABANATA 4

8 1 0
                                    

It is so quite. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-iisa. Ginala ko ang tingin sa napakalaking bahay.








"Good morning, Miss Cy. Ready na ang agahan"









"Ate Liza, sabihan mo si Manong Ricky na sunduin ang mga kaibigan ko. Mamaya nalang ako kakain pagdating nila"







Bumalik ako sa kwarto para mag-ayos. I stared myself in the mirror, pinunasan ko ang luhang pumatak. Ganito pala kapag mag-isa.










"Stop it, Kelsey Cyrine. You can be alone, you can do it" sabi ko sa sarili.









"Hala! Ang ganda ng bahay niyo, Cyrine! Tangina, 'yung balkonahe niyo mas malaki pa sa bahay namin" kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Lorraine.









Lahat sila ay namamangha sa bahay. Abala tumingin sa bawat sulok.










Biglang sumigaw si Rhea na ikinagulat namin. Tumawa siya.










"Ang angas, may echo sa sobrang laki" tuwang-tuwa siya kaya ngumiti ako. Ang inosente nila.











"Kelsey, ayos lang ba kung mag-imbita ako? Ngayon sana ang lakad namin nina Jovanni" tinanguan ko nalang si Lorraine.










Inutusan ko na rin si Manong Ricky na sunduin sila, I already told ate Liza na dagdagan ang foods.










Umingay sa pinto ng bahay kaya alam kong sila na 'yun.









"Grabe si miss richkid lowkey saying na kaya niyang bumili ng pagkatao" ani Jovanni.










I awkwardly smiled.










"Hindi ah" nakamot ko ang batok at niyaya nalang silang kumain.









Biglang umingay ang bahay. Sa play room kami tumambay dahil may bilyaran, darts, chess, at table tennis. Ang iba ay nasa labas dahil naglalaro ng basketball.











"Cyrine, curious talaga ako" tumingin ako sa isang kaibigan ni Jaiceon "Sabi kasi ng mga magulang ko kayo raw ang may-ari ng mahigit kalahati ng Vista Alegre?"









"No" seryoso kong sagot.










"Asus! Sabi ni Desiree kayo may-ari, sinabi raw ni Koah sakanya. Sabi pa nga ni Koah na mukhang ikaw ang magmamana kasi ikaw ang paboritong apo saka ang mama mo raw ang may pinaka malaking parte"









"What?!" nabitawan ko ang tako na hawak ko.









"Hi" tinignan ko si Jaiceon. Umupo siya sa tabi ko, sabay naming pinapanood ang mga kaibigan namin na naglalaro "Cyrine, I know I'm not good at giving advices but I will always listen"











"Thank you"












"Jaiceon, huwag mo ngang sinosolo kaibigan namin" ani Lorraine habang umiiling pa. Hinatak niya ako at sinabihang turuan sila magbilyar.











"Anong drama mo?" napatigil si Desiree sa akmang paghain ng niluto niyang kakanin dahil sa tanong ko "Who gave you the right para ikuwento ang buhay namin?"











All Of MeWhere stories live. Discover now