"Sure na ba 'to? Second year na tayo!" Niyugyog ako ni Lorraine kaya pakiramdam ko ay nahilo ang buong pagkatao ko!
"Ano ba! Ang OA mo!"
"Ito naman! Si nagmamaldita kaagad!" sumimangot siya at nagtatalon.
Hinanap namin ang classroom namin. Madali lang naman dahil iilan lang naman ang classroom at magkakasunod lang.
"Lenard, 'yung notebook ko?" alam ko sa desk ko lang 'yun nilagay at siya lang ang umupo sa upuan ko.
"Malay ko" bigla siyang lumabas ng classroom.
"Nasa kanya 'yon, Kels! Nasa loob ng uniform!" sigaw ni Raquin, kaibigan ni Lenard.
"Lenard!" sigaw ko at lumabas "Give it back!"
"Kunin mo, Miss maarte!" sigaw niya habang winawagayway ang notebook ko "Si all pink pala 'to!" binuklat niya ang notebook ko "Ganda ng sulat ah!"
"Ibabalik mo 'yan o tatamaan ka sa'kin?"
"O" bumelat siya at tumakbo papalayo.
Tumigil ako nang makita si Jaiceon na nasa likuran ni Lenard. Bigla niyang kinuha ang notebook ko at inabot sa'kin. Si Lenard ay mukhang napikon.
"Huwag kang nakikipag-asaran sakanya, Kelsey. Halata namang gusto niya lang makuha ang atensyon mo. Sabay ka na sa'kin kumain mamaya" ani Jaiceon at tinap ang ulo ko.
"Anong problema mo?" tinulak ni Lenard si Jaiceon pero hindi naman ito natumba
"Chill, pre. Ang init ng ulo mo" ani Jaiceon.
"Family day na sa Friday. May sasama ba sa inyo? Sa'kin baka si mama lang, pupunta si papa sa San Juan, eh" ani Lorraine.
"Kumpleto sa'kin, kasama kapatid ko" si Dianna.
"Sa'kin mga magulang lang. Malalaki naman na kapatid ko" si Rhea, bunso kasi siya.
Sabay silang tatlo na tumingin sa'kin.
"Bakit?" umakto akong nagulat habang natatawa "Wala naman akong pamilya"
"Gusto mo ba sa'min nalang? Sabihan ko mga magulang ko" ani Rhea.
"Hindi na 'no. Papanoorin ko nalang kayo"
Friday came, abala ang lahat ng pamilya sa school. Nakaupo lang ako sa bench habang pinapanood ang program na magsimula. Kung wala lang attendance at may plus points hindi ako papasok. Marami rin akong kasama, 'yung mga wala ring pamilya.
Pinanood ko ang pamilya ni Jaiceon na mukhang nagtatalo pa habang nasa labas ng gymnasium. Ang papa niya ay mukhang ayaw pumasok.
"Kelsey, bakit mag-isa ka?" tito Silverster asked, Silver's dad and our family attorney.
"Wala naman akong pamilya, tito" I said, nagawa ko pang matawa kahit parang madudurog na ako.
I really hate the feeling na parang kawawa ako.
"Do you want to join us? Halika na. I'll pay for you"
"It's fine, tito. I'll just stay here and watch"
"Are you sure?" I nodded "Okay. If you ever changed your mind hanapin mo lang kami"
"Thanks, tito"
YOU ARE READING
All Of Me
RomanceKung may kakambal lang ang hirap at sakit, si Kelsey Cyrine Debuque 'yon. At a very young age she was forced to become independent. Growing up nasanay siyang mag-isa lang. She's focused on her life, determined to become successful. Now, will love ch...