Chapter 5 "Siblings"

110 6 0
                                    

Zac Blaze 's POV

"Sigurado ba kayo dito?." Sambit ko habang nakatingin sa kanila at hawak hawak ang sleeping pills na binigay nila sa akin.

"Oo naman." Singit ni Mandy na prenteng prenteng nakaupo sa sofa.

"Kinonsulta na rin namin sa mommy ni Georgina kung okay lang ba yung ganyang dosage para sa isang teenager. Ayos lang naman daw." Wika ni Ralph na na katabi nanaman si Georgina.

"We asked na rin Georgina's mom on what we're gonna do if there's somethin' bad happen to Zoe." Singit ni Natalie.

"Seriously?. Pinaghandaan nyo talaga to?." Tanong ko.

"Guys, this is not the right thing to do." Wika ni Georgina.

"Georgina's right. Not because kinonsulta natin sa doktor yang gamot na yan, maganda na ang mga mangyayari." Pagsang-ayon ni Abby.

"Magkakampihan talaga kayo?." Usal ni Xen.

"Iniisip lang namin yung posibleng mangyari kay Zoe, kung saka-sakali." Tugon ni Abby.

"Bakit ba kasi yung mga worst scenario yung iniisip niyo?." Usisa ni Hazel.

"Basta pinaalalahanan ko kayo. 'Pag may hindi magandang mangyari kay Zoe, labas ako dito." Paalala ni Georgina.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Tara, Movie marathon tayo sa kwarto ko." Pag-aaya ko kay Zoe.

Please, pumayag ka. Wala akong nagawang plan B.

"Bakit? May sakit ka ba?."

"Isang linggo akong mawawala, baka mamiss mo ako." Biro ko.

"Lol. Baka nga ikaw pa ang makamiss sa akin eh." Tugon niya.

"Dali na. Isang linggo din yun oh." Pilit ko.

"Hmm.. Sige na nga.."

Tumayo sya sa higaan nya at biglang sumakay sa likod ko.

Tss.

Parang bata.

"Dali, tara na!." Sigaw niya atsaka pinalo ang likod ko na parang kabayo.

Hinawakan ko ang dalawang binti niya atsaka tumakbo palabas ng kwarto nya.

"Ano ba, malalaglag ako!." Reklamo niya atsaka hinampas ang likod ko.

"Eh di malaglag ka!." Sigaw ko atsaka siya ibinagsak sa sa higaan ko.

Tumayo ako at nagsalita.

"Dito ka lang."

"Ha?!. Akala ko ba, magm-movie marathon tayo?."

"Maghahanda lang ako ng snack." Palusot ko.

"Kuya, We have maids. Iutos mo na lang sa kanila yun." Sambit niya.

"Gabi na. Baka tulog na yung mga yun. Sige na, pumili ka na lang muna ng papanoorin natin dyan." Paalam ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko ang isang katulong na nasa sala.

"Manang, magluto nga po muna kayo ng snack, kukunin ko na lang sa kusina mamaya."

"Sige ho, sir." Tugon nito.

Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Zoe.

Hindi ko pa naayos yung mga gamit nya.

Kinuha ko ang maleta sa ibabaw ng damitan ni Zoe at sinimulang ipag-empake sya ng mga gamit.

Smile for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon