Chapter 2 "Deal"

224 8 0
                                    

ZOE BLAZE'S POV

"Kuya." tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa kwarto nya.

"What do you want?." Tanong nya na diretso lang ang tingin sa phone nya.

"I just wanted to ask something, about the 'kasunduan' thingy, I was just curious."

"Wala lang yun." biglang sambit nya.

"Kuyaa~" sabi ko na para bang pinipilit syang sumagot.

"I already gave my answer, you can leave."

"Kuya, give me specific answer."

"Fine. Kasunduan yun naming mga boys. Nung naghiwalay kayo ni Miko, pinagkasunduan na namin na hindi kami pwedeng manligaw sa kapatid ng kabarkada namin"

Napabuntong-hininga ako.

"What a stupid agreement. Sino bang may pasimuno ng kasunduan na yan?." Tanong ko.

"Ako."

"What for?." Pag-uusisa ko.

"Para hindi na maulit. Mahirap pumatay ng kaibigan."

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Napabuntong hininga ako nang makapa ko nanaman ang bukol ko sa ulo.

Napanaginipan ko ulit kagabi yung lalake na nasa dagat. Pero nalaglag ako sa kama ko, kaya hindi ko na naman nakita yung mukha nya.

"Ngiti naman dyan."

Si Nathan lang pala.

"Bat kailangan kong ngumiti?."tanong ko.

"Para bumagay sayo to." wika nya atsaka nag-abot sa akin ng tatlong bulaklak.

"Sira ulo ka!. Bulaklak yan ng garden nitong school!." Sambit ko atsaka pinalo sa braso nya ang mga bulaklak.

"Sorry na. Kasalanan mo din naman kasi eh."

"Ano?!. Ako na nga tong binigyan mo ng bulaklak, ako pa tong may kasalanan kung bat ganyang bulaklak ang binigay mo!." Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw naman talaga may kasalanan eh, inubos mo kaya yung pera ko nung isang araw. "

"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong bigyan ng bulaklak?!." Sigaw ko sa kanya.

"Trip ko lang, pake mo?."

"Trip mo lang?. PUMATAY KA NG BULAKLAK, DAHIL TRIP MO LANG?!." Inis kong sigaw.

"Eh sorry na kasi~... Kain na lang tayo sa labas, libre ko."

"Libre mo? Akala ko ba naubos ko yung pera mo nung isang araw?."

"Dumami na sya ulit." Pamimilosopo nya.

Tinitigan ko sya ng masama.

"Oo na nga, magpapaliwanag na... Tinamad lang talaga akong bumili ng bouquet, kaya yan lang nabigay ko." Simpleng sabi nya.

"Okay lang yun. Kahit wag ka nang mag-effort, di rin naman kita sasagutin."

"Ay nageexpect syang liligawan ko syaaa~"

"Hindi."

"Weh. Nag-expect ka eh, yieeh~." Pangaasar nya pa.

"Hindi nga! Nakakainis naman eh!."

"Okay. Hindi na kita aasarin, kain na lang tayo sa labas."

"Ayoko." pagsu-suplada ko.

"Sige na. Please, please, please, plea ----- "

Smile for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon