Chapter 4 "Sleepy"

138 5 0
                                    

Nathan Esquivel' s POV

May business trip ang parents ni George kaya toka-toka kaming nagbabantay kay George.

Pero si Natalie, di manlang umaalis sa tabi ni George.

Nakakaawa na rin si Natalie. Kung hindi umiiyak, nakatulala.

Under observation pa si George. Kaya hindi pa namin alam ang lagay nya.

Ngayon ay nandito ako sa kotse ko at nagmamaneho para iuwi na si Zoe.

Kakatapos lang naming magbantay kay George.

Tinignan ko ang wrist watch ko.

'4:35 am'

Wala na syang oras para magpahinga.

Katabi ko si Zoe ngayon.

Napuyat kami dahil madaling araw nila kami pinagbantay.

Pansin kong ilang beses nang umiling at napatungo ang ulo ni Zoe sa pagtulog.

Itinabi ko muna ang kotse para ayusin sya.

Ibinaba ko ng kaunti ang sandalan ng upuan nya para makahiga sya ng maayos.

Hinimas ko ang ulo nya at hinalikan.

"Mahal na mahal kita." Bulong ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Nasan yung mga teacher? *yawn." Tanong ni Zoe sa isa sa mga tacher's pet ng section A.

"May meeting daw sila tungkol sa security ng school, dahil sa nangyari kay George." Tugon nito at agad na pumasok sa classroom.

Agad niya akong tinitigan.

"Tignan mo na!. Minada-madali mo akong pumasok!. Antok na antok pa ko. Tapos ito lang pala ang aabutan natin!."

"Nakakainis!." Sambit nya atsaka naglakad palayo.

"Oy to naman, sorry na." Sambit ko habang hinahabol sya.

Tumigil sya sa paglalakad at humarap.

"Hindi pa ko nag-aalmusal. Ibili mo ako ng pagkain." Utos nya.

"Hala! Bat naman kita ibibili ng pagkain. Eh kahit ako nga, hindi pa nagaalmusa ----- aray ko!."

Sinikmuraan nya ko.

Tangina.

Ang sakit.

"Ibibili mo ako ng pagkain o hindi?."

"Oo na, dun na tayo sa canteen." Tugon ko.

"Anong canteen?, walang tindang kanin dun. Alangan namang, pakainin mo ako ng cup noodles?."

"Sige na nga. Bili na lang tayo sa labas." Suhestyon ko.

"Hindi pwedeng lumabas ang mga studyante pag school hours." Walang gana nyang sagot.

"Tangina. Ayaw mong kumain sa canteen. Ayaw mo rin bumili ng pagkain sa labas. Walangyang yan. Sabihin mo na lang. Ano bang gusto mong ipakain ko sayo?!." Sigaw ko sa kanya.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Uwian na kaya agad na akong dumeretso sa classroom ng section A.

Mahina akong napatawa nang makita ko syang mag-isa na lang sa classroom at natutulog.

Nakatungo sya habang yakap yakap ang bag nya.

Umupo ako sa tabi nya at nilapag muna ang susi ng kotse ko sa armchair.

Smile for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon