a/n: Ang meaning po ng 'Déjà vu' ay yung nangyari o nangyayari sa totong buhay na parang napanaginipan o nangyari na sayo.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Nathan Esquivel' s POV
"Anong ginagawa mo diyan?."
"Malamang nakikinig. Kanina pa kaya kami dito." Tugon ni Mandy.
Kanina pa kami nandito ni Mandy sa labas.
Kanina pa ako nakikinig, kanina pa ako nakokonsensya..
Nakapwesto si Mandy sa pinto at katabi niya ako na kanina pa nagtatago.
"Kami?. Who's with you?." -Tops
"Subukan mong sabihing nandito ako, kakalat sa buong Staroon yung mga picture niyo ni Xen sa camera ko." pagbabanta ko.
"Ano.. si ano.. Yung... Yung anino ko.. Tama, yung anino ko yung kasama ko." natataranta niyang sabi.
"Okay." -Tops
"ano nga palang sabi mo kanina?" -Georgina
"Sabi ko lang naman, pumunta ka lang pala ng Amerika para magmove on, napaka expensive naman ng pagmomove on. Pano na yung mahihirap?. Habambuhay na lang ba silang magiging bitter dahil hindi nila afford na pumunta ng Amerika para magmove on?." -Mandy
"Seryoso tong eksenang to." -Tops
"Sorry. Gusto ko lang namang sabihin na hindi nakakatulong ang pag-iwas at pagpunta sa kung saan para makalimutan siya. Hindi mo na siya makakalimutan, mas mamimiss mo pa siya." -Mandy
"You really need to talk to Miko, you need to end this. Lalo na yung tungkol sa inyo ni Hazel." -Georgina
"UGH. I hate this.." -Tops
"Bakit ba ayaw mo? Ano ka ba?." -Georgina
"Sa mga nangyayari ngayon, hindi lang ikaw ang nasasaktan, pati rin siya. Hindi siya bato. Sa tingin mo ba hindi siya nasaktan nung bigla ka na lang mang-iwan."
"Alam kong nasaktan ko siya. He deserves it, anyway. Siya rin naman ang may kasalanan kung bat ko siya iniwan. He cheated on me. He even ifluenced me to have vices. Kaya wala siyang karapatang magdemand na intindihin kong nasaktan din siya." -Tops
"Tanga, ikaw ang mas deserving na masaktan. Kung hindi ka umalis, wala dapat sa eksena si Hazel." -Mandy
"I quit!. Babalik na ko dun, mas malala pa kayong magsermon kay kuya. Sumunod na la----" napatigil si Tops sa pagsasalita nang makita niya ako.
"Ikaw pala yung anino ni Mandy.." sabi ni Tops kaya agad na lumapit sila Mandy sa kanya.
"Una na kami, Gina(Georgina), tara na." paalam ni Mandy.
"What are you doing here?." -Tops
"Matutulog na dapat kasi ak-----"
"Dun yung kwarto mo, bat nakaabot ka dito?." pagputol niya sa sinasabi ko.
Hindi ako nakasagot.
"Pumunta ka na sa kwarto mo." utos niya pa.
"Grabe. Nung nandun pa ko sa bahay namin, hindi naman ako pinagpipilitan ng nanay ko na pumunta sa kwarto." -ako
"Nakakabwisit kasi yang mukha mo kaya hindi ka na lang pinapansin ng nanay mo, wala siyang pake sa panget niyang anak. Kaya nga binilhan ka nila ng bahay para di na nila makita yang mukha mo." -Tops
"Kung yung nanay ko di ako pinapapunta sa kwarto ko para matulog dahil wala siyang pake sa akin, ikaw pinapapunta mo ako sa kwarto ko dahil may pake ka sa akin?. Harchu na talaga, tops." -Ako
BINABASA MO ANG
Smile for Me
Chick-LitWhat if the girl that you love is still loving his ex?. What if the girl that you love said to you that you don't have any chance to get her?. Would you just give up and let her pass because of what she said?. Would you just do nothing because of he...
