Chapter 10 "Fool"

166 7 0
                                    

Georgina Xynarine' s POV

"Nurse Lea.." tawag ko sa nurse sa information desk.

"Oh, Gina. Hinahanap mo ba ang daddy mo?. May inooperahan siya ngayon." tugon nito.

"Hindi po. May gusto lang po akong alamin sa mga records ni Zoe dito."

Family doctor nila Zoe si dad. Kaya susubukan kong hanapin dito ang sakit na tinutukoy ni Zac.

"Zoe?. Yung kaibigan mo?."

"Opo. May medical record po ba siya dito two to three years ago?, bukod po dun sa mga treatment niya para sa phobia niya."

"Teka, ichecheck ko."

Nagtungo siya sa isang drawer na puno ng mga folder.

"Nakita ko na yung folder ni Blaze." sambit niya atsaka ibinuklat ito.

"Ito oh." iniabot niya sa akin ang folder.

"Liver Cirrhosis?. Pano nangyari 'to?.." gulat kong tanong.

"Alcohol abuse ang kadalasang dahilan.." tugon ni nurse Lea.

"Nagamot ba yung sakit niya?." usisa ko.

"Oo, may naging donor."

"Sino?."

Kinuha niya sa akin ang folder at hinanap kung sino ang naging donor.

"Ito, nakasulat dito." tinuro niya ang pangalan.

Agad ko itong binasa.

Nathan Esquivel.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Pabalik na ako sa classroom nang makita kong nagkukumpulan ang mga studyante sa bulletin board ng fourth year.

"Tsk. Desperada na talaga siyang makalamang."

"Bakit di na lang siya lumaban ng patas, halata naman na may lokohan na nagaganap."

"Dinaya yung grade nila."

"Oo nga, hindi totoo yan."

"Imposible. Si Hazel malalamangan si Zoe?. Ang layo kaya ng agwat ng grade nila last grading period."

Nalilito ako sa mga pinagsasasabi nila.

"Ralph." tawag ko sa kanya.

"Ano yun, Georgina ko?."

"Anong nangyayari?." tanong ko.

"Pinost na ni mam Sally yung list ng topnotchers, nagsecond lang si Zoe."

"What?."

Sinilip ko ang bulletin board.

Totoo nga.

Punong-puno ako ng pagtataka nang makaupo ako sa pwesto ko.

Napatingin ako kay Zoe.

Nakangiti siya habang nakatingin kay Hazel.

Bakit parang tuwang-tuwa pa siya sa mga nangyayari sa kanya?.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Pwede ba tayong mag-usap?." agad kong sambit kay Nathan nang makita ko siyang nakatambay sa garden ng school.

Umupo ako sa tabi niya at muling nagsalita.

"Bakit hindi mo pinaalam sa amin na nagkasakit si Zoe at ikaw ang naging liver donor?."

Smile for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon