Prologue

475 14 0
                                    

ZOE BLAZE'S POV

Napangiti ako nang may makita akong mga batang nagtatakbuhan sa gilid ko.

Sana lang, ganyan kadali ang buhay.

Sana isang hipan lang ni mom sa sugat, mawawala na agad ang sakit.

Sana 'pag nasaktan ako, lollipop lang ang kapalit.

Sana bukas, tapos na.

Sana, ganun lang kadali.

But that'd never be possible in this cruel world.

Napatigil ang aking pagiisip nang mabaling ang tingin ko sa isang lalakeng umaahon mula sa dagat.

Hindi ko maaninag ang mukha nya. Pero malinaw sa mga mata ko ang isang malaking peklat nya sa tiyan.

Naglalakad sya patungo sa akin.

Hinawi nya ang buhok nya at-----"Ma'am Zoe"

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa akin.

Panaginip lang pala yun.

Si Miss Irma, sekretaya ni ate Gabbie.

"Andito na po tayo" ang bansang Pilipinas ang tinutukoy nya.

Inayos ko ang aking sarili atsaka nagtungo sa pinto.

Sandali akong napatigil sa pintuan ng private plane ni dad at napangiti.

It's been three years, since I was here.

"I'm back"

Smile for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon