Ang buhay ay parang isang libro na sa unang pahina ay malalaman mo na agad at makikilala ang mga karakter pati na ang may akda nito.
At sa bawat pahina nito ay masasabi mong totoo, totoo palang nangyayare ito sa buhay ng isang tao at may kapanapanabik na eksenang aabangan moPagod na pagod na ko sa kung anong dapat na maramdaman ko.
Pagod na ko sa kung anong dapat na gawin ko
Pagod na kong sumigaw at ipagsigawan sa buong mundo na tao rin naman ako
Pagod na kong isipin ang mga bagay sa paligid koSaan ako lulugar? Saan ako huhugot ng lakas para lumaban?
Saan ko ba dapat ilagay ang sarili ko
Naisusulat ba ang nararamdaman para kapag napagod ka ay maaari mo na itong mabura?
Heto't nag-iisa na naman ako
Nag-iisa't humihingi ng pahinga sa mundong magulo
Umaasang lahat ng nangyayare sa buhay ko'y may dahilan ang mga ito
At gigising na lang isang araw wala na lahat ng pagod koUmaasang may isang taong handang makinig sa mga hinanaing ko
Sana paggising ko ay panaginip lang ang lahat ng 'to
Sana gisingin ako ng taong tunay na may hawak sa puso ko
At iligtas niya ko sa pagkalunod ko
Pagkalunod sa naglalawang kalungkutang hindi makita ng iba
Kalungkutang hindi ko maipakita sa kanila
Sana pagmulat ng aking mga mata
Ay masilayan ko ang tunay na ligaya
Ligayang hindi ko alam kung saan ko ba makukuhaNang maramdaman kong nabigyan ako ng pahinga kahit sa panaginip ko lang ito madarama.

YOU ARE READING
SINO KA?
RastgeleIkaw ay ako? Sino ka ba? Ang mga lugar pangalan at pangyayare sa kwentong ito ay likha lamang ng malikot na kaisipan ng may akda.