Third Person point of view
"Leon! Ano ba!? Saan ka pupunta? Aalis ka na naman gabi na!"
Sigaw ng isang babaeng nasa may tarang kahan ng pinto.
Malakas ang ulan at mahahalatang masama talaga ang tama ng panahon.
Hindi inalintana ng binata ang pagsigaw ng babaeng yon.
Hindi rin niya inalintana ang masamang panahon
Kahit gaano kalakas ang ulan ay umalis pa rin siya ng bahay.
Lumuluhang pasigaw ang babae habang sapo sapo nito ang kanyang dibdib at binabanggit ang pangalan ng binata.
Masakit sa parte niya na parang binalewala lang siya ng binata.
Bago pa man malakayo ang binata ay nasilayan pa niya ang pagragasa ng luha sa mga mata nito pero hindi niya parin ito inalintana.
Masama ang loob niya
May hinanakit siyang dala dala
Hindi niya matanggap na sa araw ng kapanganakan ng kanyang ina ay hindi man lang niya nasilayan ang kanyan ama.
Samantalang nakiusap na siya sa kanyang ama na kung maaari lamang ay makadalo man lang ito sa araw mismo ng kaarawan ng kanyang pinakamamahal na ina.
Sa subrang sama ng loob niya ay pinaharurot pa nito ng mabilis ang motorsiklo na niregalo sa kanya ng kanyang ninong at nang makarating sa isang matayog na building ay ipinarada niya ang sasakyan sa gilid nito.
Sinita pa siya ng mga guwardya doon ngunit walang nakapigil sa kanya.
Nagdire-diretso lang siya hanggang sa naabot niya ang pinakahuling palapag at natagpuan ang isang lalake na nakaupo sa harapan ng isang lamesa at may nakaukit doon na pangalan.
Sinamaan niya ito ng tingin at napapakuyom ng kamao
Hindi niya maexpress ang nararamdaman niya.
Gusto niyang guluhin ang buong silid na yon at ang mga papel sa lamesa ng lalaki
Pero hindi niya ito magawa.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?"lumingon ito sa labas nakitang malakas pa rin ang ulan.
"Ay oo nga pala, masama nga pala talaga ang timpla ng hangin."
Baag!
Nabalik ng lalaki ang tingin sa binata
"Ano't naparito ka?"
"Really? You don't remember?"
Tanong ng binata pabalik
"Please Leon, wala akong oras para sa ganyan mo."
"Oh?"
Sinamaan niya ng tingin ang binata na para bang sinisindak niya ito.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko"medyo nagtaas na ng boses ang lalaki.
"Do you think na nauubos na rin pasensya ko sayo?"
"Sinusubukan mo talaga ako?" Napatayo na yong lalaki at
Pak!
Nagulat ang lalaki sa ginawa ng binata
Hindi niya akalain na magagawa iyon ng binata sa kanya napahawak ito sa kanyang labi ,
"Ang lakas ng loob mo!"akmang kukwelyuhan na sana ng lalaki ang binata pero nagsalita ito.
"Yah! Your right! Malakas loob ko! Kulang pa nga yon eh! Dahil ikaw ang dahilan kaya ako ganito!"
"Leon, look" pagpapakalma ng lalaki sa binata.
"Kung ano man ang ikinasasama ng loob mo ay patawarin mo na lang muna ako ijo."
"What? You don't know what you've done? Huh!?"
Napapalunok yong lalaki
"I'm sorry Leon, please forgive me please hindi ko sinasadya. Marami akong inaasikaso."
"Yah! Marami! Kaya huwag mo ng subukan pang mangako ulit kung di mo tutuparin naiintindihan mo!?"
YOU ARE READING
WHO ARE YOU?
RandomSi Leon ay bunga ng isang one-sided love, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Matutunan niya pa kaya ito? Ang bumalik sa nakaraan ba ang lunas para matutuhan niya at maranasan ang tunay na pakiramdam ng taong nagmamahal? Matutunan niya kayang m...
