"Hoy alagad ng batas!"Napapikit nalamang ako ng marinig ko kung kaninong boses ang tumawag sa akin.
Humarap ako sa aking likuran at tumingin sa tinderang nag lalako ng mansanas. Nanlilisik na mata ang binigay ko bilang tugon sa kanyang sinabi. Ang aga-aga may nag papainit na agad sa ulo ko, hindi na nga umaangat ang pinas dadagdag pa ang isang 'to sa problema ng bansa. Hindi ko na sana ito papatulan at ipag sasawalang bahala na lang ang kanyang sinabi ng humirit uli ito.
"My honey Louise! bili ka na ng mansanas ko!" Maharot nitong sabi.
Muli akong humarap sakanya at sa pag kakataong ito ay lumapit na ako sa pwesto nito.
"Umagang-umaga 'yang nakaka tiling mo na boses ang agad kong naririnig, kung lagyan ko kaya 'yan ng rugby ng tuluyan kang matauhan, ha?" Naiinis kong sabi.
"Ano ba 'yan honey, umagang-umaga ang hot headed mo na. Bilhin mo na lahat ng paninda ko oh, para maaga akong maka uwi." Ani nito.
Tuluyan na bang nabagok ang ulo ng babaeng 'to? sinong matinong tao ang bibili ng isang dosenang mansanas?
"At talagang ginawa mo pa akong sugar mommy mo! Hoy Crisel, umayos-ayos ka konti na lang bibingo ka na sa aking kupal ka." Grabe, sa tuwing pupunta ako dito sa palengke laging pagmumukha niya ang bumubungad sa akin.
This woman in front of me is my friend. Hindi lang halata dahil mas makapal pa ata ang mukha nito kaysa sa foundation na pinag sama-sama na inilagay sa mukha.
"Oh ano, bibili ka ba o hindi? umalis ka na nga kung hindi ka bibili. Kalimutan mo nalang na naging kaibigan mo ako. Gusto ko lang naman maka ahon sa hirap ng buhay tapos ipag-kakait mo pa." madalumhati nitong sabi.
Hindi ko maiwasang mapahilot sa aking sintido. Feel ko sa tuwing mamamalengke ako may puputok na ugat sa ulo dahil sa babaeng 'to.
"At talagang na ngonsensya ka pa! hoy babaeng ipinag lihi sa pepet ng baboy! Ang kapal mo sa part na bibigyan mo ako ng responsibilidad dahil sa hindi ko pag bili ng paninda mo! eh kung ihampas ko kaya sa'yo 'tong hawak kong batuta? At tigil-tigilan mo ako sa pag tawag ng Honey diyan, baka hindi kita matansiya." maldita kong sabi. Kapag ang babaeng 'to talaga ang makaka usap mo matutuyo talaga ang utak mo dito.
"Ikaw naman kasi eh! pupunta ka na nga lang dito sa palengke hindi ka pa bibili sa puwesto ko." pag mamaktol nito.
Pota. Required na palang bumili sakanya everytime na pupunta ako dito? may ikakapal pa pala ang pag mumukha ng babaeng 'to.
"Tumahimik ka na lang pwede ba, ha? Ang dami-dami ko ng problema dadagdag ka pa. Bigyan mo ako ng dalawang kilo."
"Dalawang kilo lang?" Tangina?
"Tangi-" naputol ang sasabihin ko ng mag simula na itong isupot ang mga mansanas.
Kung alam niya lang talaga na ang mga mansanas na binibili ko sakanya ay ang mga napipilitan kong mga ka trabaho ang umuubos ng mga mansanas na 'yon. Paanong hindi mapipilitan ikaw ba naman araw-araw kang kakain ng mansanas dahil hindi nauubos.
"Magkano?"
"1,000" sabi nito na akala mo ang hinihinging pera ay maliit.
"Anong 1,000? hoy abuso ka!"
"Anong abuso? nag sitaasan na ang presyo ng mansanas, duh."
Dahil sa hindi ko na kinakayang makipag usap dito at uwing-uwi na 'ko ay labag sa loob kong inabot ang isang libo sa kanya.
YOU ARE READING
Find me, Detective
FanfictionI lost my ability to write, the words getting tangled and worn out inside me, quieted by the noise of my memories. But then, as fate would have it, the spark of inspiration flickered back to life. How many times did I write her name? Countless times...