I can't help not to smile while looking at my phone.
Thenalou_:
Hi :)
I got her Instagram account from Mady, nag i-scroll kasi ako sa account ni Mady and I saw Aviel's name kaya hindi na ako nag dalawang isip na I-follow ito, ganon din sa iba niyang kaibigan. Ilang beses palang namin naka salamuha ang isa't-isa pero ang dalawa kong kaibigan ay close na nila ang mga 'to, I'm ok with that kasi ganon din naman ako sa kanila. Except sa yelong babae na 'yon na kahit malayo pa ako sa pwesto niya ay tataasan na ako ng kilay.She has the look, I admit. Pero ang ate ninyo kinulong sa manners o baka sa akin lang siya ganon? Ilang beses palang namin nakikita ang isa't-isa ay nagiging comfortable na ako sa presence niya even na ganon ang ugali niya. I have a crush on her nga eh, pero hanggang doon lang. I'll never fall for someone na ganon ang ugali 'no. Mataas kaya ang standard ko.
While waiting for her response I stalked her account. I also discovered her full name is Aviel Hera Austen. Her name suits her. Ang ganda ng pangalan niya, mas gaganda siguro kung papalitan ang apelyido niya into James. Aviel Hera Austen James charot.
May mga nakita din ako na mga post niya pero most of it ay ang mga pininta niya. She's a very talented person, kung ibabagay ang mga hilig niya at sa personality niya ay sobrang layo. Nakaka intimidate talaga ang look niya, her aura scream power, at ang napansin ko parang ang mga hobbies niya ay pang soft girl. While scrolling, a picture of her caught my eyes, she's holding violin and mind you, ang hot niya sa picture na 'yon. What else she can do?
Sa ilang minuto ko na pag hihintay ay may notification akong natanggap.
Aviera_Austen:
?Pati ba naman sa chat ang tipid. Na momroblema ba 'to sa letra? ang pag kakaalam ko kumpleto pa rin naman hanggang ngayon ang alphabet.
Thenalou_
Nag titinda ka ba ng yelo?
pabili nga, baka dito na ako aasenso.Natawa ako sa nireply ko. Paano ba naman kasi ang tipid-tipid kung sumagot, kulang na lang talaga bigyan ko ng dictionary 'to para bumalik ang alphabet sakanya.
Aviers_Austen:
What do you want?Halla siya, wala pang kami pero tinatanong na niya kung anong gusto ko.
Thenalou_
Ikaw
viers_Austen:
👍🏻Napasimangot ako sa naging last chat niya. Nakakainis siya ha.
Thenalou_Tara labas.
Aviers_Austen:
I don't want to.
Thenalou_
Dali na, libre ko.
Aviers_Austen:
AyokoAno ba naman 'to. Siya na nga 'tong ililibre siya pa ang may ganang umayaw, nasaan ang hustisya.
Thenalou_Let's go to the art gallery.
Wala na akong maisip kung ano pa ba ang pwedeng i-reply para mapapayag 'to. Pero dahil may utak ako naisip kong dalhin ito sa art gallery. Halata namang mahal na mahal nito ang art kaya ayon ang na isip ko, sana na lang pumayag si bruha.
YOU ARE READING
Find me, Detective
FanficI lost my ability to write, the words getting tangled and worn out inside me, quieted by the noise of my memories. But then, as fate would have it, the spark of inspiration flickered back to life. How many times did I write her name? Countless times...