CHANDRIA MIELLE
Binibilang ko ang aking salapi habang hinihintay ang taxi. Tutungo ako ngayon sa malayong mansyon ng mga Callagry. Pupunta ako sa Ayala Alabang Village. Makipasagupaan sa tunay kong pamilya.
Makulimlim ang panahon nang sumakay ako ng taxi. Ilang sandali narating ko ang malawak at prestihiyosong village. Tahanan ng maraming mga prominenteng pamilya. Isa sa mga nakatira ang tunay kong pamilya. Sad to say, hindi malinis ang pangalan nila. Involve maraming eskandalo sa bansa. Kaya't biglang naglaho sa politika at industriya ng mga artista.
Kilala ko si Dara Callagry dahil dati siyang artista. Isang actress na maraming awards. Biglang naglaho noong twelve years old ako. Sa ayaw't gusto, kinakabahan ko. Nasa lalamunan ko na ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko mahanap ang wastong salita para ipagtapat na ako ang anak nila. Saka wala akong sapat na ebidensya, tanging DNA test at report ng huling pang-iimbestiga sa mag-asawang Nestor at Blisha.
"Manong, dito lang po ako,"sabi ko.
Hininto niya ang taxi. Inabot ko ang bayad. Naubos ko ang barya. Di ko inaasahan na malayo ang bahay nila. Bumaba ako sa kotse. Kumapit ako sa shoulder bag habang nalululang nilibot ang tingin sa modernong mansyon sa aking harapan.
Humihip ang hangin. Hinawi ko pabalik ang ilang hibla ng buhok. Kahit naka-ponytail may iilang hibla na tumatakas.
Umuwang ang bibig ko. Mas mayaman ang Callagry kesa sa Buenavista. Ang taas ng gate. Pinindot ko ang door bell. Walang sumagot. Pinalipas ko muna ang limang minuto. Pinindot ulit. Pero walang sumagot.
Sisigaw ba ako?
Humihip ang malakas na hangin. Nakasuot ako ng manipis na sundress at flat sandals, hindi sapat para protekthan ang sarili ko sa paparating na ulan. Wala rin akong dalang payong.
Jusko! Sana may sasagot ng door bell ko. Limang bese ko nang ginawa. Wala talaga. Nasa bakasyon ba sila.
Sumandal ako sa gate. Saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Titiisin ko na lang kesa umalis. Sayang ang effort ko. Malay natin, may darating.
Naligo ako sa ulan. Mahaba ang pasensiyang naghihintay na may darating. Halos pipikit ang mga mata ko sa kabiguan nang biglang gumalaw ang bakal na gate. Muntik akong umigtad. Nilingon ko ang bumukas na gate. Doon ko natanto na may sasakyan sa harap ko. Gulat akong pinagmasdan ng driver. Niyakap ko ang sarili na sinalubong siya ng tingin.
"Sino ka? Ano ang kailangan mo?" Pumkaw sa akin ang dalawang tanong. Dalawa lang iyon pero tagos kaluluwa ang tono ng pananlita ng lalaking kaharap ko.
Tumutulo ang tubig sa laylayan ng damit ko sa malinis na sahig ng kanilang entrance hall. Wala silang awa, hinayaan nila akong nangingig sa lamig. Namamanhid na ang bibig ko. Yakap-yakap ko ang sarili habang nakatingin sa kanya.
"A-Ako po si Cha-Chandria Mielle. Gusto ko po sanang makita si Ma'am Dara Callagry,"nauutal kong tugon. Nanginginig na ang mga labi ko.
"Bakit?"pakli niya. Lalo akong nangatog sa nanlilisik niyang mga mata. Gwapo sana kahit nasa mid-forty pero ang sama naman ng mukha.
"Pwede ko po ba siyang makausap?"Balik tanong ko. Bumakat ang irita niya sa panglilihis ko ng tugon.
"Ano'ng sadya mo kaya gusto mo siyang makita? Hinding-hindi kami basta-bastang nagpapasok dito na walang appointment. Tahimik ang lugar na ito kaya please lang, 'wag ka sanang manggulo,"mahabang litanya niya na tila iniisip niyang masama akong tao.
Isa rin sa rason na walang kasambahay nagustong bumukas ng gate sa isang estranghera.
To the highest level ang kasamaan nila.
BINABASA MO ANG
How to Keep the Bad Boy on My Side
RomanceThe Henderson Series Book 2 ---------- AVAILABLE ON GOOD NOVEL Chandria Mielle Buenavista thought she was the cherished heiress of a wealthy family-until they revealed she wasn't their real daughter and discarded her. In a fit of rage, she makes a r...