16-Weak Spot ⚠️

9 2 0
                                    

⚠️ may sensitive part na bawal sa bata

NICOLA

"Matagal pa ba 'yan,bro?" Naiinip na tanong ni Kendrix.

Nasa bar kami, hindi sa bar ng Night Club kundi sa mini-bar ng mansyon niya na malapit sa swimming pool.

"Malapit na. Habaan mo nga ang pasensiya mo,"singhal ko habang tinatanggal ang butones ng shirt ko.

Tumambay kaming magpipinsan ngayon, ako, si Mikhael, Phoenix, Kendrix, at himala nandito si Beau—humihip siguro ang masamang hangin. Tuwing yayayain namin kasi ay agad na tumatanggi at kapag nandito 'yan, palagi kaming nagseseryoso. Siya ang pinakabata sa'min pero mukhang lolo.

Inirapan ko ang gilbys at gin matapos kong ipagtagpo ang bunganga ng botelya para maghalo. Ito ang ginagawa ng mga tambay sa kanto–na-curious ako kaya sinubukan. Nagpapasalamat ako kay Phoenix, di na galit. Nangako kasi ako na regaluhan siya ng bagong motor bike.

"Beau, gusto ba ng sisig para sa pulutan o iihaw tayo ng aso?" Sinusuklay ko ang buhok gamit ang daliri.

Pinukulan niya ako ng mataman na tingin. Kita kong kumislap sa inis ang mga mata niya kahit madilim ang paligid. Pasado alas nueve na rin kaya medyo naiinip si Kendrix. Kasalanan ito ni Phoenix, ora-orada kaming niyaya dis oras ng gabi.

"Bakit bigla kang nahilig sa pagkain ng mga tambay?" Umupo si Mikhael sa tabi ko. Umaakto siyang di nakikita si Beau. Kahit saan sila dalhin, halatang matalik silang magkaalitan.

"Bawal ba mag-explore? Saka na curious lang ako kung ano ang lasa ng aso,"napaisip kong sabi.

"At saan ka naman kukuha ng aso, aber? Gabi na't walang oras para lumuto,"ani Mikhael.

"Patusin mo 'yong aso ni MikMik,"agaw-pansin ni Kendrix. Umupo siya sa tabi ni Beau at sumandal sa bar counter.

"Ang aso ko pa talaga? K9 dog iyon. Hindi basta-bastang pinapatay. Baka makasuhan pa kaya,"nangagalaiting katwiran ni Mikhael.

"Magkano ba 'yon? Bibilhin ko,"malamig na turan ni Beau.

"Ay, may tao pala. Akala ko estatwa,"sarkastikong sabad ni Phoenix. Umupo siya sa tabi ko habang pinapaypay ang kamay.

"G*go,"mahinang bulong ni Beau na tila nawawalan ng pasensiya. Kapag makaramdam ng out of place iyan ay aalis.

Siniko si Phoenix. Binalaan ko siya na h'wag magbiro ng ganoon. Suplado naman siyang kumuntra.

"'Wag niyo nang pagdeskitahan ang nanahimik kong aso. Ikaw, Nic kung anu-ano nasa kukuti mo. Uminom ka na nga bago mapasukan ng hangin iyan!" Suway ni Mikhael.

"Iyan na si Kuya Mikmik, nagtuturo na ng leksyon,"sabad ni Kendrix na tumatawa. "Hayan, bro! Tapos na ang mixing. Shot puno na!"

"Para kayong taga-kanto. Nagdududa tuloy ako kung mga bilyonaryo ba talaga kayo,"puna ni Beau na kinukuha ang baso.

Tumindig si Phoenix. Ngayon ko lamang napuna na may suot siya apron. Ito ang master chef sa pamilya. Taga-handa ng pulutan tuwing tatambay kami rito. "Wait, up, I think my sisig is burning?" Natataranta niyang wika.

Kapagkuwan ay nakaamoy kami ng nasusunog na pagkain. "Dipungol, Phoenix. Dapat ba ipapakiramdaman muna ang niluluto mo bago mo tanggalin sa apoy?"

"Hoy, animal. Tumakbo ka na bago tuluyang masunog ang mansyon ko!" Bulyaw ni Kendrix pero nauna siyang tumakbo kay Phoenix.

May kanya-kanya silang bahay dahil si Phoenix may asawa na at si Kendrix ay single pa. Noong di pa dumating si Chandria sa buhay ko. Palagi kaming nagpapaligsan ng paramihan ng babae. Hindi ko siya matalo kasi araw-araw iba-iba ang babae niya.

How to Keep the Bad Boy on My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon