15- His Family

11 2 0
                                    

CHANDRIA

"Letseng lasingero 'to! Mahirap man o mayaman, pagnalulung sa alak. Nagta-transform. Argh! Muntik pa akong tuklawin kanina! Hindi ka makaka-scores sa akin, Nicola. Tandaan mo, hinayupak ka!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Mukha siyang angel na mahimbing na natutulog.

Kung masama akong tao malamang kanina ko pa iniwan ang Nicola na 'yan. Nagigil ako sa inis habang pinagsisilbihan siya. Ayoko ko rin na ang kasambahay ang bumihis sa kanya. Nahubad ko ang medyas, t-shirt, pantalon, sando... maliban sa isa. Wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. Sa huli tinawag ko ang butler.

Nasira niya ang pagyo-yoga ko. Mayamaya, gigising na ang triplets. Katapusan ko na rin kasi kailangan kong maghanda para ihatid sila at pumasok sa trabaho. Marami rin akong aasikasuhin sa secret company ko. Teka, wala ata kong work kasi lasing si Boss, eksakto may hang-over 'yan. Pasipol-sipol akong tumungo sa kusina. Paghahain ko siya ng nilagang baka–pampawala hang-over.

Matapos kong lumuto ay lumigo, nagbihis at hinatid ang mga bata. Gumala muna ako lahat ng botique bago bumalik ng mansyon. Alas onse na nang bumalik ako. Napuno rin ng notification at text messages ang phone ko. Dini-demand na nila ang presensiya ni Sir.

Kinakamot ko ang pisngi ng pumasok. Narinig ko ang kalasing ng kubyertos at chinaware. Malamang si lasingero na. Dumiretso ako sa dining room at dinungaw siya. Ang hudyo, masarap ang kanya. Buong-buo ang apettite, parang hindi nalasing.

"Yoo! Chanie, salamat dito!" Ngumuso siya sa bowl sa harap niya. Napuna niya kaagad ang presensiya ko.

Lumukot ako sa pa-nickname niya. "Ano? Chanie? Sino naman nagsabi sa'yo na binyagan mo ako sa pangalang 'yan?"

Mahinang tumatawa ang maid na nagsisilbi sa kanya bago umalis. Nameywang ako, nasa gilid pa rin ng pinto.

"Nahuli ka ba sa balitang sekreto akong pari? Kahit sino makilala ko ay binibinyagan ko,"biro niya pero corny naman. Hindi ako natawa.

"Baliw! Hindi ganoon ang gawain ng pari. H'wag mo nga dungisan ng bibig mo ang mga pari," pambabara ko.

Hilaw siyang ngumisi. Iyong tipong nang-aasar kaya sumilakbo ang inis ko.

"Sekreto ka bang chef? Sarap ng nilagang baka mo kaso may nasaling goma,"aniya na inikot-ikot ang sabaw para ipakita ang goma.

Nanlaki ang mga mata ko. "Pagkakatanda ko puro karne ang niluto ko. Nag-pressure cooker pa nga ako. Paano mo naman masabing may goma d'yan?"

"Sinong niloloko mo ha? Tignan mo?" Tinaas niya ang flat at kulay abo na bagay. Nasindak ako. Totoong may goma, eh, paano naman nangyari? Kitang-kita ng dalawang mata ko, dinouble check ko pa.

Sinugod ko siya upang suriin kung totoong goma nga. Akma kong agawin nang hinila niya ang palapulsuan ko sanhi ng pagkaupo ko sa kandungan niya. Damang-dama ko ang matulin na pagkalat ng init sa pisngi ko nang magkalapit ang mukha ko.

Kumapit siya sa beywang ko. "Ano kaya ang magandang parusa para sa taong nilulutuan ako ng goma?"

"Wala! Hindi goma ang niluto ko. H'wag mo akong pagbintangan,"malakas kong depensa.

Nakakaloko siyang humagikhik. "Ha,ha, ha. Natatakot siya. Isang Nicola Hayes Henderson lang pala ang magpapatinag sa'yo. Pwede mo ba akong samahan—"

"Samahan mong pagmumukha mo! Hinding-hindi ako sasama at sasabay sa kalandian mo. Nandito lang ako para alagan mo ang mga anak natin!" Pinaghahampas ko siya.

Halos mawindang kami nang sinalo niya ang kamay ko. Inirap niya ko. Hindi ko mabasa ang mukha niya habang sinusuri niya ang bawat linya ng hitsura ko. Namungay at nagningning ang nag-che-chestnut brown niyang mga mata dahil sa liwanag.

How to Keep the Bad Boy on My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon