CHANDRIA BUENAVISTA
Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata ay ang pagkaladkad sa akin ng kinilala kong pamilya palabas ng mansiyon na kinalakihan ko. Walang awa si Papa na hinila ang buhok ko—noon pa'y may lihim na silang pagdududa sa katauhan ko. Kaya nagtagumpay silang inimbestigahan ako.
Masaya akong bumalik sa bahay mula sa maghapong pagsubsub ko sa trabaho upang umunlad ang negosyo nila, sa halip sinuklian nila ako ng karahasan.
"Dad, let me go! nasasaktan na 'ko!"pagmamakaawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagbabakasakaling lumuwag ang pagsabunot niya sa buhok ko.
"Salbahe ka! Pinagloloko mo pala kami!"Bulyaw niya. Lalong humigpit ang pagsabunot niya. Matatanggal ata sa anit ko ang mga buhok ko.
Hindi ko inaakala na tratuhin nila ako ng ganito sa gayong buwis-buhay kong tinutok ang sarili para sa ikabubuti nila. Nasa crisis ang aming negosyo kumakailan, ngunit sa pagiging masipag ko nagawa kong i-stabilize ang financial problems. Bubog sarado kasi kami ng mga loan shark. Hindi rin tinatangkilik ng mga tao ang mga produkto namin at marami pang kakompetinsiya ang Harvest Basket.
Our grocery business would never have a future without my help.
"I don't understand,dad? Why are you doing like this to me?"
"You are not my real daughter! You damn bastard!"paratang niya.
Dalawampu't limang taon ang ginugol ko para alagaan at mahalin sila. Dalawampu't taon ko silang nakasama at inakala na tunay ko silang magulang.
Walang pakundangan nila akong inihagis sa damuhan, malapit sa gate ng mansiyon. Humahapdi ang mga mata ko sa pag-iiyak. Hinang-hina ang tuhod ko sa tindi ng pagod at sakit na tinatamasa ko ngayon. Humihingal si Papa habang binabatuhan ako ng matatalim na titig. Si Mama ay napahalukipkip at hindi maipinta ang kanyang mukha. Walang bahid ng awa at pagmamahal sa kanilang ekspresyon ngayon. Mistula akong mangmang at bulag sa tunay na kulay nila. Nagbago ang lahat sa buhay ko ng isang araw.
"I can't believe we raise this liar!"sabi ni Mama sa matinis na tinig. Ramdam ko ang pagkasuklam niya.
Bumuga ng hangin si Papa. Desperadong menasahe ang gilid ng ulo. "Tama ang kutob ko na hindi natin siya totoong anak,"sang-ayon niya.
Tumulo ang huling mga butil ng luha ko. Sinapian ako ng poot nang matanto ang hilatsa nila. I can't believe I was a fake daughter,used for their own benefit. Tinangka kong bumangon mula sa pagkasubsub bagama't mabigat ang katawan sa sakit na nararamdaman.
"I had no idea I wasn't your real daughter!"buhos loob kong giit. "Bakit niyo ito ginagawa sa akin? Wala akong kamuwang-muwang na napunta sa puder niyo. Ito ba ang isusukli niyo sa akin sa kabila ng pagmamahal ko? Tinuring ko kayong totoong magulang tapos susumbatan niyo ako ng masasamang salita?"
"Isusukli?"nakakainsultong tumawa si Papa.
"Do you have any idea what you've done?"asik ni Mama sa nanlilisik na mga mata. "Niloko kami ng pamilya mo ng dalawampu't limang taon! Pinagpalit ka na nila para sa pera. Ano? para alagaan ka, malayo sa sakit at tatamasiin ang kayaman imbes ang tunay na anak namin ay naghihirap dahil sa'yo!"
"H-hindi ko alam! Kailanma'y hindi ko kayo niloko. I loved you! I did everything for this family and the company!"Desperada kong sigaw.
Hindi ko sinasadyang tumindi ang galit nila. Naikuyom ni Papa ang kamao. Lumitaw rin ang litid sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata at kunti na lang ay susuntukin na niya ako.
BINABASA MO ANG
How to Keep the Bad Boy on My Side
RomanceThe Henderson Series Book 2 ---------- AVAILABLE ON GOOD NOVEL Chandria Mielle Buenavista thought she was the cherished heiress of a wealthy family-until they revealed she wasn't their real daughter and discarded her. In a fit of rage, she makes a r...