14-Girl With Mask

12 2 0
                                    

NICOLA

Hinay-hinay akong lumabas ng bahay, sarili kong bahay pero parang magnanakaw ako at takot mahuli. Tatlong araw na ang nakakalipas na gusto kong sumugal kaso di ko magawa dahil kay Chandria na mistulang body guard ko. Tyempong masalubong ko siya tuwing magbabalak akong lumabas.

Ngayong araw binigyan ko siya ng maraming trabaho, tiyak na natutulog na. Pinapawisan akong nanaog sa hagdan, lumilinga-linga pa para tiyakin na safe ako. Ngumisi akong pumunta sa garahe. Pinili ko ang pinakatahimik na sasakyan, saka mabilis na pumanhik.

Sinalubong ako nang maliwanag na VIP room ng casino. Lumipat ako ng silid dahil sa masamang experience noong nakaraan. Umupo akong inaayos ang cufflinks. Ngayon gabi'y magkaibigan kami ng swerte. I couls feel the envious gazes of my opponeys, their frustration palpable as the dealer slid another pot of chips in my direction.

Tumatawa akong tinatamasa ang kaswertehan nang pumasok na misteryosong babae. She wore a sleek red dress that clung to her figure like a second skin,her face obscured by a crimson mask adorned with intricate gold. Saglit, huminto ang pintig ng puso ko. Tila binuhusan ako sa pamilyar niyang aura. Si Chandria ba ito? Hindi maaari. This woman was different-taller, curvier, her confidence radiating in waves as she sauntered over to my table.

"Mind if I join?" Tanong niya sa malambot, mapanukso na may halong mapaglarong tono na kinatuwid ng ibang kasamahan kong mga lalaki. Naupo siya sa harap ko at nagdekwatro.

"Your money, you lose,"blanko kong salita saka sinipat ko ang delaer at sinenyasan na gusto kong kalabanin ang babae. Ngumisi ang dilag habang nilalatag ang poker chips sa harap niya.

"Tignan natin kong hanggang saan ang swerte mo,"panghahamon nito.

Inismiran ko siya, binaling ang atensiyon sa baraha. Ayokong pagmasdan ang dalawang malaking umbok sa dibdib niya na halos luluwa sa damit niya.

As the game progressed, di ko inaasahang mahusay siya-iyong tipong may karapatan na sabihing 'nagsusumikap lang para sa swerte' Smooth niyang pinagagalaw ang baraha, at walang bahid ng kaba na nakikipaglalaban sa akin. Kaso nadidisturbo ako sa pagiging malandi niya. She lingered her gaze on me a little too long, and her lips curled into a suggestive smile every time she caught my eyes.

"You're quite a player,"sabi niya sabay sandal, nadungisan tuloy ang dalisay kong paningin sa paglabas ng dibdib niya. "Pero kailangan ba palaging naka-poker face ka? Sayang naman ang kagwapuhan mo. Surely you can crack a smile for me."

Binalewala ko siya. Ginugulo niya kasi ako sa gitna ng laro. Tinuon ko ang sarili sa baraha, sinikap na h'wag pansinin ang mga daliri niyang nakapatong sa kamay ko nang kinuha niya ang chips. Hindi kuryente ang naramdaman ko kundi apoy sa inis sa kanya. Dati-rati, gustong-gusto kong ginaganito ako ng mga babae pero ngayon tila na gi-guilty akong may kaharap na babae dahil maalala ko ang kambal lalo na si Chandria. .

"Come on, lighten up,"bulong niya sa matamis na himig. "You might even enjoy yourself."

Tila hinahamon niya ako sa isang bagay na ayaw ko nang gawin. Nanigas ang panga ko kasabay ng pagliit ng mga mata ko nang pinatong niya ang malambot na palad sa itaas ng kamay ko sa mahabang panahon. Her touch was soft, warm and uninvited.

"I don't recall asking for company,"malamig kong saad saka sinimsim ko ang whiskey.

Nabasag ang ngiti niya ng ilang sandali bago niya nabuo ulit ang sarili. "Suit yourself. Pero sa katulad mo na nanalo palagi, parang hindi ka masaya."

Hindi ko siya sinagot. Pinatuloy namin ang laro pero nabasag uli ang konsentrasyon ko. Bawat sulyap ko sa kanyang dereksyon ay naalala ko si Chandria-iyong gabing nakasuot siya ng sexy dress at nilalandi akong tinignan sa mga mata. Nanginginig ang kalamnan ko tuwing tumatawa siya kapag nananalo. Subalit ang babaeng ito ibang-iba siya kay Chandria. She's playing a different game entirely.

How to Keep the Bad Boy on My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon