CHANDRIA
Sinasara ko ang butones ng damit ko habang lumalabas kami ng kambal sa mansyon. Today was supposed to be prefect dahil unang araw ko bilang secretary ni Nicola, at lalong lalo na ito ang unang araw na titira kami sa nag-iisang bubong. Nagawa ko siyang pikutin kagabi. Mas bongga ang mansyon niya kesa sa mansyon ng Callagry at halatang nagustuhan ng tatlo.
Maingay kaming pumwesto sa grand pavillion, malapad ang ngiti kong chini-check ang uniporme nila. Panay ang bungisngis at hila sa blusa ko.
"Behave,"saway ko habang pinasusuot sa kanila ang backpacks. Wala akong nagawa sa kakulitan nila kundi ang tumawa.
Matagal kaming naghintay sa kanya sa driveway, nalulundag ang kambal sa stone steps habang nagkikwentuhan ng napanood nilang cartoons. Sinipat ko ang wrist watch. He should be out any minute. Bakit ganito? Nauubusan ako ng pasensiya. Ini-expect ko pa naman na ililibre niya kami ng sakay sa Ferrari niya. Mayamaya narinig ko ang ingay ng sasakyan niya, nagalak kami. Subalit nagulat ako nang nilampasan niya kami, ni hindi kami sinulyapan.
"Talaga lang, huh?" Usal ko habang nakatingin sa lumalayong sasakyan. "Nicola, you—"kinagat ko ang labi sabay tingin sa mga anak. "You're unbelievable!" Hiyaw ko.
"Mommy,where's daddy?" Kinalibit ako ni Liam, inosente niyang tanong sa malaking mga mata na puno ng kuryosidad.
"Wag na tayong aasa sa Daddy niyo! Maglalakad tayo papunta ng school niyo, inchendes?"Naiirita kong tugon.
"Pero gusto ko si Daddy, mom,"daing ni Layla.
"Nilayasan na tayo!" Kinuha ko ang kamay ng dalawa, tahimik naman na sumunod ang isa. "Ipakita natin sa tatay niyo na kaya nating pumunta roon na wala ang Ferrari niya!"
Naglakad kami sa sidewalk, maingay ang heels ko sa semento, habang sumusabay ang tatlo sa tabi ko. Kumukulo ang iritasyon ko, diniligan pa ng maalala ko ang pagmumukha ni Nicola. Di niya iniisip kung gaano kasakit ang ginawa niya sa'min. Now, he's being heartless, especially to the triplets.
Eksaktong paliko kami nang may humintong marangyang kotse. Binaba ang salamin ng bintana at tumpak hindi ako nagkamali nang makita ko ang matalim na panga at tagos kaluluwang titig ni Ezekiel.
"Chandria, what on earth are you doing walking with the kids?" Nakasalpok ang kilay niyang sumandal sa bintana.
"Argh! Tumataas ang presyon ko sa tatay ng tatlo!" Nagpapadyak kong sabi.
"Get in,"utos niya,sabay bukas ng pinto.
"Oy, okay lang kami. Saka malapit lang ang school,"tanggi ko.
"Sa hilatsa ng mukha mo, okay lang? Nag-aalburoto ka na parang bulkan saka hindi safe maglakad ang kagaya mong anak mayaman. Baka ma-kidnap pa kayo,"matigas niyang sambit, minsan lang siya ganito kapag may namumuo nang galit sa loob niya.
Bumuntong hininga ako, binuksan ang pinto saka inalayayang pumasok ang tatlo. Nang naging maayos ang lahat, inirapan ako ni Ezekiel mula sa rearview mirror.
"Sabihin mo, anong ginawa ng tarantadon?"Untag niya agad.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga sabay kibit-balikat. "Iniwan kami ng hudyo. Nilampasan niya kami na para bang invisible kami sa paningin n'ya. Kaya ito napiliran kami mag-commute."
"He did what?" Humigpit ang hawak niya sa steering wheel, hanggang sa pumuti ang kamao niya.
Umiling ako, pinakita na di ako na bo-bother sa inasta ng maldito. "Hindi 'yon big deal. Kayang kaya ko naman."
"Hindi iyon big deal?" Tumaas ng isang pitch ang boses niya. "Kaya hindi ako pumayag sa desisyon mo noon dahil sa maaari niyang gawin sa inyo. Unang araw pa lang pero masama na ang trato niya. Maghintay ang bastradong 'yan, makakatikim 'yan sa akin!"
BINABASA MO ANG
How to Keep the Bad Boy on My Side
RomansaThe Henderson Series Book 2 ---------- AVAILABLE ON GOOD NOVEL Chandria Mielle Buenavista thought she was the cherished heiress of a wealthy family-until they revealed she wasn't their real daughter and discarded her. In a fit of rage, she makes a r...