9-Meet the Triplets

12 2 1
                                    

CHANDRIA

Parang kailan lang ako nanganak. Malalaki na ang tatlong bubwit. Isang buwan na rin ang nakalilipas nang bumalik kami sa Manila. Wala akong naging problema. Tinanggap ng pamilya ko ang pagkaroon ko ng mga anak. Masaya si Mom at Dad na may automatic apo sila, di lang isa kundi tatlo. Idagdag pa ang tatlo kong kababatang kapatid, mga overprotective at sobrang maalaga. Pinagaagawan nilang tatlo ang mga anak ko. Iisa lang naman ang problema ko: si Marga. Mailap pa rin siya sa'kin. Palagi malamig ang trato niya sa'kin. Saka panay ang pakitang-tao niya sa mga magulang namin. Mabait siya kapag nasa harapan kami ng mga magulang namin pero demonyo 'pag nakatalikod. Inaaway n'ya ako na di ko naman siya inaano.

Umiling ako para itaboy ang masamang iniisip. Ang hirap mamuhay bilang mayaman kasi maraming problema. Kararating ko lang ng bahay matapos kong ayusin ang problema ni Dad sa Henderson Lending Corp. Sa dami na pwedeng pag-uutangan do'n pa. Buwaya ang may-ari no'n dahil mataas ang interest rate. Putek, 'pag makita ko si Nicola Henderson, ipapasara ko 'yang lending niya. Maghintay siya dahil may tatlo akong sopresa. Ewan kung nakauwi na ba siya.

Huminto ako saglit upang itali ang buhok ko at ayusin ang damit. Nandito ako sa hardin ng mansyon para mag-yoga at tanggalin ang bad energy mula kahapon dahil nakipagsagutan ako sa loan officer. Gusto kong makausap ang boss nila pero sinabing wala pa. Idagdag ko pa ang lalaking nakabangaan ko kahapon. Sana di nagalit sa pagiging walang modo ko.

"Mom!"Tawag ng babae kong anak na si Layla, malapad ang ngiti niya habang inikot ang buong hardin. Nakasuot siya ng bestidang tinahi ko at may bitbit na water gun. Heto na naman ang laro nila na kinaiinisan ko. Gawain ito ni Atlas, ang bunsong kapatid namin. Malamang nandito ang hudyo; di na naman patatahikin ang kambal.

"It's your end!" Umalingawngaw ang pilit pinalalaking boses ng isa ko pang anak na si Liam-ito ang unang lumabas kaya panganay siya. May tangan siyang water gun at hinahabol ang kapatid.

"I won't let you, Liam. She's mine!"Tutol ng isa ko pang anak, si Leone-gaya ng pangalan nito, ganoon din ang ugali: mabagsik, domineering at walang kinatatakutan. Siguro 'yon ang ugali ng ama niya.

Umismid ako sabay iling. Sibubukan kong di sila pansinin at pinatuloy ang pagyo-yoga. Binalot ng tawanan, ungol at sigawan nila ang hardin kaya nawalan ako ng konsentrasyon, sanhi ng pagiging iritable ko. Desperada akong bumuga ng hangin sabay tingin sa tatlo. Walang patid sila sa pagtakbo paikot ng malawak na hardin sa hapong 'to habang nagbabarilan ng tubig.

"Tama ako, nagustuhan nila ang regalo ko,"sabi ng baritonong boses na sumulpot mula sa double glass door. Tinapunan ko kaagad siya ng masamang tingin.

Napameywang ako habang hinihintay siyang lumapit sa'kin. "Atlas, ano'ng kalokohan 'to? Gusto mo bang ilagay sa panganib ang buhay mo?"Banta ko pero hindi siya natinag. Kumislap ang kanyang mga mata saka pinaskil ang mapaglarong ngiti. Ito ang kapatid ko na kamukha ko at kaparehas ng ugali ko kasi minsan nagkakasundo kaming maging kontrabida sa buhay ni Ezekiel at Kaelum saka masama rin ang impresyon niya kay Marga.

Inayos niya ang suot na nicktie saka nagulat ako kasi nakasuot pa rin siya ng uniform. Nasa huling taon siya sa kolehiyo sa kursong agriculture. Nais niyang baguhin ang pangalan ng Callagry sapagkat masyado nang maimpluwensiya. Nasa politika palagi sila at puro isyu ang buhay nila. Walang katahimikan dahil inaabangan sila ng publiko saka hanggang ngayon tinatago pa nila ako sa madla.

Senator ang tatay ko at govenor ang nanay ko sa Bukidnoon. Ang dalawa kong kapatid na sunod sa akin si Ezekiel, sa edad na twenty-four ay legislative aide at si Kaelum naman na nasa edad na twenty-three ay isang diplomatic attaché. Pareho silang nagtapos ng political science samantala ako business management ang natapos kaso wala pang business. Palamunin muna sa ngayon pati ang triplets ko pero ang totoo hawak ko ang malaking kompanya na sekreto nilang pinapatakbo pati ang bank account sa Switzerland. Umaasa ako na wala silang corruption na ginagawa.

How to Keep the Bad Boy on My SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon