PROLOGUE

11 1 0
                                    

PROLOGUE:

"Kasalanan mo 'to Tonette, kung hindi mo sinabi sa anak ko na Papa niya ang lalake sa sketch pad mo, hindi naman 'to mangyayari e, mas madali pang sabihin na patay na ang Papa niya kaysa mag-imbento ng kuwento." Sigaw ni Darlene

"At kasalanan ko na naman? Mabuti nga at gumagawa pa ako ng paraan para matigil na ang kakatanong ng anak mo! Ano ka ba naman Darlene, habang buhay mo na lang bang tatakasan ang mga tanong niya? Kung madali lang palang sabihin na wala na ang Tatay niya, bakit hindi mo pa rin masabi hanggang ngayon?"

Napahawak na lang sa noo si Darlene, napatingin sila pareho sa pintuan nang bumukas 'yon.

"M-Mama D, Nangnang Tonette, nag-aaway po ba kayo?" Tanong ng bata

"Go to your room, Ysabella! Yaya, samahan ni'yo po muna siya."

Napatungo ang bata at nagsimulang humikbi.

"Huwag mo nga'ng sigawan ang bata, Darlene!" Saway ni Tonette at saka tumingin sa bata, "Hindi kami nag-aaway Beya anak, nag-uusap lang kami ng Mama D mo. Sige na, sumama ka na muna kay Yaya Belen at mamaya ay pupuntahan ka ni Mama D tapos babasahan ka niya ng kuwento."

Pinandilatan ng mata ni Darlene si Tonette pero ngumiti lang ang kaibigan.

"Talaga po?" Nakangiting nagpunas ng luha ang bata.

"Oo. Sige na po Yaya Belen, samahan ni'yo na muna si Beya sa kuwarto niya at kakausapin ko lang po ng masinsinan itong amo ni'yo."

Pagkaalis ng bata ay nilapitan ni Tonette si Darlene. "Huwag mo nga'ng sinisigawan ng gano'n ang bata. Wala ka na nga buong araw tapos sa gabi natutulog naman siya, anak mo 'yon, anak mo pa rin si Ysabella kaya sana naman ay iparamdam mo sa kanya na Nanay ka pa rin niya, kahit bata lang 'yon e nakakaintindi na 'yon! Pasalamat ka nga at nandito ako, dahil kung masama akong kaibigan, naku naku!"

Napabuntong hininga na lang si Darlene at yumakap kay Tonette. "Salamat bestie, kahit palagi kitang inaaway. Pasensya ka na at pagod at stress lang talaga ako sa trabaho. Hay naku, sana kasi hindi mo na lang ginalingang mag-drawing. Huwag na kayong babalik sa lugar na 'yon ha, para hindi na makita ni Beya ang lalakeng nasa sketch pad mo." Sabi ni Darlene at ginulo pa ang buhok ng kaibigan.

"Paano kung ang lalakeng 'yon pala ang makakatulong sa iyo?" Seryosong tanong ni Tonette

Kunot-noo siyang tiningnan ni Darlene, "At paano kung hindi? Paano kung siya pa pala ang sisira sa sira ko ng buhay? Aminado akong wala akong oras sa anak ko pero hindi ko ipagkakatiwala ang anak ko sa taong hindi ko naman kilala."

ITUTULOY...

— 🎸

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now