CHAPTER FIVE: MIGUEL's POINT OF VIEW ★
"Tulog pa rin po ba?"
"Opo Yaya, alas otso na po at nag-aalala na ako, kanina pa nga po tumatawag si Tonette pero hindi ko sinagot dahil sabi ni Darlene e huwag ko raw pong pakekealaman ang mga gamit niya lalo na ang cellphone niya." Sagot ko
"Ako na lang po ang tatawag kay Ma'am Tonette. Tulog na tulog pa rin po si Beya, mukhang napagod siya sa kakalaro ni'yo kanina, kanina ko lang po nakitang gano'n kasaya 'yong bata."
Nilagay ko ulit ang basang bimpo sa noo ni Darlene. "Bakit po? Hindi ba sila naglalaro ng Mama niya?" Tanong ko
Umiling si Yaya. "Wala pong oras si Ma'am Darlene sa bata kaya mas malapit ang loob ng bata sa Ninang niya."
Tiningnan ko si Darlene.
Mukhang may bubog siya, malalim na bubog.
"Magpahinga na rin po kayo Yaya Belen, ako na po ang bahala kay Darlene." Sabi ko at kinumutan ko si Darlene, tinawagan namin ang Doctor niya at sinabi naman sa amin kung ano ang dapat gawin.
"Sige po Sir, kung may kailangan kayo ay tawagin ni'yo lang ako."
Paglabas ni Yaya Belen ng kuwarto ay umupo ako sa tabi ni Darlene. Hindi pa rin siya nagigising, magtatatlong oras na.
Lahat ng picture niya sa loob ng bahay ay malungkot ang mga mata, "Ano kayang kuwento mo?" Bulong ko, "Bakit parang palagi kang galit sa mundo?"
Medyo dinadalaw na rin ako ng antok kaya umupo ako sa sahig malapit sa kanya at pumikit.
Hindi ko alam kung bakit hinawakan ko ang kamay niya, at ang lamig ng mga kamay niya.
"M-Miguel.."
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong gumagalaw ang kamay ni Darlene.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko at inalalayan siyang tumayo.
"I'm fine. Ano'ng oras na?" Tumayo siya at medyo nawalan ng balanse, mabuti na lang at napahawak siya sa akin.
"Eight thirty, lagpas tatlong oras ka ng natulog, ang tagal mo nga'ng magising, dadalhin na sana kita sa hospital pero pinigilan ako ni Yaya Belen. Nagugutom ka ba? Ikukuha kita ng pagkain sa baba."
"Doon na lang ako kakain, hindi ako kumakain sa kuwarto. Ikaw, kumain ka na ba?"
Umiling ako. "Hinintay kitang magising. Si Yaya Belen kumain na pero si Beya ay hindi pa, hindi na namin ginising dahil pagod na pagod 'yong bata."
Nauna na siyang naglakad palabas, sumunod ako dala dala ang maliit na palanggana at bimpo na ginamit ko sa kanya.
"Ma'am! Gising na po pala kayo, salamat sa Diyos! Kukuha lang po sana ako ng tubig kaya bumangon ako. Ipaghahanda ko na po kayo ng hapunan."
"Tutulungan ko na po kayo Yaya Belen." Sabi ko at naghanda na ng plato.
"Ano po'ng nangyari Yaya Belen?" Tanong ni Darlene
"‘Di ba po nasa may pool area tayo, nagkukuwentuhan, dinalhan ko pa kayo ng kape tapos tinatawag ko po kayo pero parang hindi ninyo ako naririnig. Nabitawan mo 'yong kape, mabuti na lang at nasalo ko 'yong laptop mo, nanginginig ka at nahulog ka sa tubig, hindi ako marunong maglangoy kaya hindi kita nasagip, tinawag ko pa si Miguel, nilangoy ka niya tapos dinala ka sa kuwarto mo. Ako naman ang nagbihis sa iyo, pasensya na Ma'am pero tinawagan namin ang Doctor mo para itanong kung ano ang gagawin, dadalhin ka sana ni Miguel sa hospital e pero pinigilan ko dahil alam kong ayaw mo sa hospital, baka kako pag-awayan pa ninyo ang bagay na 'yon." Dere-deretsong kuwento ni Yaya Belen
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Romance"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...