CHAPTER ONE: AUTHORs POINT OF VIEW ★
Nakasimangot na umupo sa habang kainan si Beya. "What's wrong baby?"
"Kanina pa po siya nakasimangot pagkagising niya Ma'am Tonette." Sabi ni Yaya Belen habang naglalagay ng kanin sa plato ni Beya.
"Ang sabi mo Nangnang babasahan ako ng story ni Mama D bago ako matulog, bakit hindi na naman po? Ano na naman po ang rason?"
Pilit na ngumiti si Tonette. "Sorry baby, medyo natagalan kasi kaming nag-usap ng Mama mo kaya pagpunta namin sa kuwarto mo e natutulog ka na. Don't worry, ako na ang nagpa-promise sa 'yo, sa susunod, si Mama D na talaga ang magbabasa ng story for you, goods ba 'yon?"
Tumango ang bata. "Sige na, eat your breakfast na tapos papasok na tayo sa school. After mong mag-school e pupunta tayo sa paborito mong park, kakain tayo ng paborito mong food, goods ba tayo dun baby Beya?"
"Opo Nangnang." Sagot ng bata at nagsimula ng kumain.
Kahit mag-aapat na taon pa lang si Beya ay pumapasok na ito sa school, sa murang edad ay pinapasok na ito ni Darlene para matutong makihalubilo sa mga bata, wala rin naman itong gagawin sa bahay nila dahil palaging wala ang Mama D niya kaya kasya gadget ang paglibangan nito ay isinasama na lang ni Tonette sa school.
"Nangnang Tonette, p'wede po ba nating dalhin ang sketch pad mo? Please." Nakangiti at tila nagmamakaawa pang sabi ni Beya, medyo nabubulol pa rin siya minsan kaya kung hindi ka sanay ay hindi mo maiintindihan ang sinasabi niya.
"Bakit? Naglalaro naman kayo ng classmates mo e."
"Sige na po Nangnang, baka itanong nila kung sino ang Papa ko, ipapakita ko po ang picture niya. Sige na po, sige na po Nangnang, please."
"Naku Beya, magagalit ang Mama D mo." Sabi ni Yaya Belen habang nagliligpit ng mga pinagkainan nila.
"Bakit po? Galit po ba si Mama kay Papa? Hindi po ba sila bati? Kailan po uuwi si Papa? Bakit po 'yong ibang bata e may Papa, bakit po ako wala? Wala na nga po palagi si Mama D tapos wala rin akong Papa, ang lungkot naman po." Malungkot na sambit ni Beya kaya nagkatinginan na lang si Tonette at Yaya Belen.
"Ipapaalam na lang muna natin sa Mama D mo bago natin dalhin ha, huwag na makulit."
Malungkot na tumango ang bata.
TONETTE's POINT OF VIEW★
Alas otso na, iniwan ko muna si Beya sa teacher niya sa kindergarten, sinabihan ko na lang na kapag umiyak ay tawagin na lang ako. Parang saling-pusa lang naman siya dahil madalas siyang ma-bored sa bahay.
Habang naghihintay ako na matapos ang klase nila ay inilabas ko ang lapis at sketch pad ko, nagsimula na naman akong gumuhit ng kung anu ano.
"Grabi, ang init."
Napalingon ako sa lalakeng naupo sa tabi ko, medyo malalim ang boses niya at amoy pawis siya. Nakasuot siya ng asul na jacket at kupas na pantalon na puro pintura, may hawak din siyang lata ng pintura at pati ang mga braso at kamay niya ay puro pintura.
Muntik na akong mapasigaw nang makita kong mukha niya, siya 'yong lalakeng nasa drawing ko! Kamukhang-kamukha niya!
"Bakit Miss?"
Napalunok ako.
Umiling ako at pilit na ngumiti.
"Pasensya ka na at amoy pawis ako, nagpintura ako nung palaruan ng mga bata.
"A-A-Ayos lang."
Patay! Paano kapag nakita siya ni Beya? Ano'ng sasabihin ko? Ang sabi ko pa naman ay sikat na model ang Papa niya, paano kapag nakita niya na ganito ang itsura? Lagot na naman ako nito kay Darlene.
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Любовные романы"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...