CHAPTER SIX: MIGUEL's POINT OF VIEW★
"Papa, ayos lang po ba kayo?" Tapos na pala ang misa at niyayaya na ako ni Beya palabas.
"Ayos lang a-anak, nasaan na ang M-Mama mo?"
"Nasa labas na po, hihintayin na lang daw po tayo sa kotse. Papa, p'wede po ba tayong kumain sa labas? Please."
"Itanong muna natin sa Mama D mo." Sabi ko
"Kay Nangnang Tonette po p'wede kahit hindi sumasama si Mama D, busy po kasi si Mama D palagi kaya si Nangnang po ang kasama ko."
Naawa naman ako sa bata, kung ako talaga ang magulang nito e hindi ko ipaparamdam na wala ako sa tabi niya habang lumalaki siya.
"May gusto raw sabihin ang anak mo." Mahina kong sambit pagkasakay namin ng kotse.
"Ano 'yon?" Tanong ni Darlene, tumingin naman ako kay Beya.
"Sabihin mo na sa Mama D mo, anak."
"Mama D . . . puwede po ba tayong kumain sa labas?" Mahina ang boses at nakatungong sabi ni Beya, mukhang alam na niyang hindi papayag ang Mama niya.
"Sige."
"Talaga po?" Excited na tanong ni Beya, kahit ako ay nagulat din na pumayag si Darlene.
"Pero saglit lang ha, kailangan ko lang ayusin 'yong mga gagamitin ko bukas."
"Yes po Mama, salamat po Mama, I love you po Mama." Humalik siya sa pisnge ni Darlene, naalala ko tuloy 'yong nangyari kanina kaya napatingin na lang ako sa labas ng bintana.
"Dito na lang ako." Sabi ni Darlene at naupo sa gilid ng fast food chain, "Order-in ni'yo lahat ng gusto niya." Inabutan niya ako ng dalawang libo.
"Eh sa 'yo?"
"Busog pa naman ako, kayo na lang ang kumain."
Hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya binili ko na lang ang lahat ng itinuro ni Beya.
"Gusto niya raw lahat ito." Sabi ko habang tinutulungan ang crew na magbaba ng mga pagkain sa mesa.
"Kapag hindi ninyo naubos, take out na lang natin." Sabi niya at sa cellphone niya pa rin nakatingin.
Wala ako sa sariling kinuha 'yon at inilagay sa ibabaw ng mesa. "Kumain ka muna ulit, marami naman 'to saka mamaya ka na mag-cellphone, minsan nga lang kayo lumabas ng anak mo e, mag-bonding naman kayo."
Napakunot noo siya.
"Mama, tikman mo po itong french fries na isinawsaw sa ice cream , masarap po, try ni'yo po."
Napilitan si Darlene na kainin ang isinusubo ng anak niya. "Tama na anak, busog na ako, ang Papa mo naman." Pakiramdam ko'y natatawa siya lalo na't nagulat ako.
French fries na isinawsaw sa ice cream, ano'ng lasa nun? Mga bata talaga, kung anu-ano na lang.
"Masarap 'di ba, Papa?" Sabi pa ni Darlene, napilitan na lang akong tumango kaso sunod-sunod naman ang pagsubo ni Beya sa akin.
"Ikaw kasi, pala-desisyon ka sa buhay ko." Bulong niya
"Anak, busog na ako, ang Mama D mo naman."
"Hindi anak, busog na rin ako, nasusuka na nga ako, ang Papa Miguel mo na lang."
"Ang Mama D mo."
"Hindi, ayaw ko na."
"Ayaw ko na rin."
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Beya.
"Masarap po, ayaw ni'yo na po?" Sabay kaming umiling
Iniuwi namin lahat ng natirang pagkain ni Beya.
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Romansa"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...