CHAPTER FOUR

6 1 0
                                    

CHAPTER FOUR: DARLENE's POINT OF VIEW ★

"Pasok." Sabi ko, nagtanggal pa siya ng tsinelas bago pumasok ng bahay.

"Ma'am, saan ko po ilalagay ang mga gamit niya?" Tanong ni Yaya Belen

Saan nga ba? Apat lang ang kuwarto dito sa bahay at– No way! Hindi puwedeng sa kuwarto ko siya matutulog! Ang tanga ko, hindi ko agad naisip 'yon.

"Sa sala na lang po muna. Nakahanda na po ba ang tanghalian?"

"Opo Ma'am." Sagot ni Yaya Belen at tumingin kay Miguel, "Welcome home po, Sir."

"Kinakabahan ako." Sabi ni Miguel, napatingin ako sa kanyq, "Mas kinakabahan ako." Sambit ko

May iniabot siya sa aking isang envelope. "Ano 'to?"

"Mga kailangan mo para hindi ka na kabahan."

Binuklat ko isa-isa at lahat ng 'yon ay tungkol sa kanya, malinis ang record.

"Halika na sa baba baby, may flight pa si Nangnang." Narinig kong sabi ni Tonette

"You're so madaya, bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kung hindi pa sinabi ni Yaya Belen e hindi ko malalaman, iiwan mo ba talaga ako kay Mama D?"

"Pasensya ka na po talaga Ma'am Tonette, naubusan na po ako ng kuwento kaya naikuwento ko po na uuwi kayo ngayon sa Bukidnon." Sabi ni Yaya Belen, pababa na sila ng hagdan.

"Magtago ka muna sa likod ko." Sabi ko kay Miguel

"Beya, let's eat na. Nagluto si Yaya Belen ng paborito mong tinola, halika na."

Nakasimangot pa rin siya, masama ang tingin sa Nangnang Tonette niya.

"Huwag ka na ma-sad, hindi naman kita iiwan dito e. Dito ako magwo-work oaraay kasama ka, huwag ka na magalit sa Nangnang mo, kailangan siya ng Lola Min mo."

Tumango-tango siya kahit nakasimangot pa rin. "Pero Mama D, babasahan ni'yo po ba ako ng story later?" 

"Gusto ko kaso may gagawin ako later e." Napatungo siya at naupo sa huling baitang ng hagdan, "Pero what if siya ang magbasa ng story for you?"

Lumabas si Miguel.

Napatayo si Beya, nanlalaki ang mga mata niya. "Papa?" Nakakunot-noo siya. "Papa!" Tumakbo siya palapit kay Miguel at yumakap, "You're finally here Papa, welcome home Papa!"

"H-Hi, B-Beya.."

"Mabuti naman po at nakauwi na kayo Papa, tapos na po ang work ninyo? Sabi po ni Nangnang e model daw po kayo."

Napakamot sa ulo si Tonette.

"O-Oo pero tapos na ang kontrata ko kaya umuwi na ako dito, araw-araw mo na akong kasama." Tumingin sa akin si Miguel.

"Talaga po? Yeheyyy!!" Nakayakap pa rin siya kay Miguel.

"Huwag ka na magtampo sa Nangnang Tonette mo ha, kailangan siya ng Nanay niya at saka nandito naman kami e."

"Opo Papa. Sorry po Nangnang at thank you po kasi nandito na si Papa ko." Niyaya niya agad si Miguel sa hapag-kainan.

Kay Tonette lang talaga nag-thank you? Sa akin, hindi.

"Anong mukha 'yan? Selos ba ang nakikita ko sa pagmumukhang 'yan?" Tanong ni Tonette at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi ko siya pinansin. "Ihahatid kita sa airport pagkatapos ng lunch."

"Hindi na, may gagawin ka pa hindi ba? Tatawagan na lang kita kapag nasa airport na ako. Halika na, kain na tayo." 

"Salamat Tonette."

I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART Where stories live. Discover now