Jamie
"Mabuhay is Tatay Marcelo! Mabuhay ang ating mahal na Senador! Mabuhay!" Mga sigawan ng mga tao dito sa Villafuerte City
Ang saya saya dito parang fiesta may mga karaykay at may mga matataas ding gusali. Napadaan ang aming sasakyan dito malapit sa Kapitolyo kaya rinig namin ang sigawan at hiyawan ng tao.
May isang matandang lolo ang nagsasalita sa harapan na sure ako ito ang tinatawag nilang Tatay Marcelo.
Mayroon ding isang lalake na kaedad siguro ni Papa at Babae na asawa siguro nito at sa gitna nila ang isang nasa teenage na lalake at batang babae na siguro kaedad ko.
Nasa 11 years old palang ako at dito ko na ipagpapatuloy ang grade 6 ko. Si mama ay magtatayo ng isang Karenderya habang si Papa naman ay mag aapply sa public attorneys office dito.
Nakarating kami sa isang simpleng bahay lang na kasyang kasya saming tatlo.
"Jamuel Iemier ayusin mo itomg mga gamit mo sa iyong silid" utos ni Mama
Dalawa lang ang kwarto rito sa bahay. Isang malaki para kina mama at papa at isang sakto lang para sakin.
Kompleto na ang bahay. May sala set narin at may mga furnitures na. Sa Kusina naman ay completo narin at may isang sakto lang sa laking Ref.
May four sitter dining table at may isang malapit na CR sa kusina.
Pagpasok ko sa room ko ay simple lang ang pintura na color skyblue at may ibang parte na may shade of pink.
Isang single bed at isang closet para sa mga damit ko. May study table na rin at may CR sa loob.
Hapon na nang matapos kami sa pag aayos ng among mga gamit.
Ngayon ay papunta kami sa kapitolyo dahil magpapasa si Papa ng application letter at si mama naman ay kukuha ng business permit.
Maganda at magarbo ang Kapitolyo ng City of Villafuerte. Dumerestso kami sa Mayors office at di namin inaakala na nasa loob pala ang buong pamilya nila.
"Magandang hapon po!" Wika ni Papa
"Magandang hapon din, ano ang saatin?" Tanong nung babae.
"Ako po si Atty. Roy Acosta at mag apply po ako sa PAO at ang asawa ko naman na si Rose ay pagaapply para sa business permit. Dito po kami pinapunta" ani ni Papa
"Ako pala si Senator Marcelo Villafuerte, ikimagagalak ko kayong makilala" ani nung Matanda
"Kaano ano mo si Judge Raul Acosta?" Dagdag na tanong pa niya
"Ahh Tatay ko po siya"
"I see, matalik kaming magkaibigan ni Raul. Kumusta na siy?" Tanong ulit ni Senator
"Ahh okay po pero kinalulungkot ko po na pumanaw na po si Ama"
"Sorry hindi ko alam" gulat at lungkot na ani ni Senator
"Ay okay lang po at matagal na rin po iyon" sagot ni Papa habang kumakamot sa ulo.
"Anyways, this is my son Governor Migo Villafuerte at this is his wife Mayor Sarah Villafuerte. My grand children Matthew Villafuerte and Sandra Villafuerte" pakilala ni Sanator kaya nakipagkamay sila Mama at Papa.
"Ahh eto nga pala ang unico iho ko si Jamie" pakilala naman sakin ni Papa.
"Ohh anak makipaglaro ka muna doon at may aasikasuhin lang kami ni Papa mo" ani Mama ta umupo na sila sa front desk ni Mayor Sarah
"Hi po" bati ko sa batang babae
"Yuck! doon ka nga kadiri ka. Look at your outfit you're so mahirap. Baboy na nga bakla pa!" Pagtataray niya sakin at inirapan pa ako
Aba aba attitude si gorl. Halatang spoiled brat. Akala mo anghel kanina pero demonyo naman talaga.
Ang ganda ng lahi nila at si Kuya Matthew gwapo din. Siguro mga nasa 18 years old na siya, matikas at matangkad.
Habang tinititigan ko siya ay gumawi siya sakin kaya iniwas ko kaagad ang aking tingin.
"Tsk Bakla" mahinang sabi niya pero rinig ko iyon. Hala attitude din kaya hindi ko nalang sila pinansin at iginawi ko nala ang aking tingin sa gawi nila Mama.
Mataba lang ako pero maganda ako. Mix race kaya kami kaya di nakapagtataka kong maganda din ang lahi namin. Sila mama nga magkakaiba. Si Tito James chinito and very asian, si Mama maypagka western look dahil maputi ito at natural blond ang buhok habang si Tito Bruno ay maypagka maitim.
Nagtataka akong tinignan ang gawi ni Gov dahil kanina pa niya tinititigan si Mama. May kakaiba akong nararamdaman sa titig niya kay mama.
Hindi iyon nahahalata nila Mama at Papa dahil busy sila sa pakikipag usap kay Senator at Mayor.
Naririnig ko na pinaguusapan nila ang pagkain kaya naging attentive ako. Mahilig kasi akong kumain atsaka inispoil talaga ako ni Mama sa pagkain.
Napag alaman ko na isa rin palang chef si Mayor at may isang malaki at sosyal na Restaurant dito.
Maya-maya pa ay natapos din ang kanilang usapan
"Mauna na kami Senator, Gov at Mayor. Maraming salamat po" ani ni Papa
"Maraming salamat po" ani naman ni Mama
"Nako nako Roy just call me Tatay Marcelo nalang total at magkaibigan naman kami ni Raul"
"Yeah, just call me Sarah nalang din. Bye ingat kayo" ani ni Mayor
Sinipat naman ng tingin ni Gov ang dalawang nakaupo sa couch kaya napatayo agad ito.
"Paalam po at ikinagagalak ko po kayong makilala at lalo na si Jamie" ani ni Matthew
"Ako din at gusto kita maging friend" wika naman ni Ellice kaya nginitian ko lang sila pero lumapit sakin si Ellice at bumulong
"Bakla, in your dreams yuck" bulong niya
Attitude talaga sila at mga walang modo. Masyadong mayayabang at mapang mataas sa kapwa. Sabagay kasi alam nilang makapangyarihan sila at may kapit.
I wonder tuloy kung plastikada din itong si Senator, Gov at Mayor. Bait baitan para maka ani ng simpatya at boto sa mamamayan.
"Mauna na po kami. Maraming salamat po sa mainit na pag-tanggap" ani ni Papa
Lumabas na kami at umuwi na sa bahay upang makapagpahinga kami ng maaga.
---
YOU ARE READING
The Garcia #2: Planning Revenge with My Two Hot Brothers
RomansaPano kung tulungan ka nang dalawa mong Kuya sa binbalak mong paghihiganti kasama na dito ang pagtuturo sayo sa mga maka-mundong bagay.