Jamie
"Mahal ipinagtataka ko lang kung bakit zero crime rate lugar na ito? Its too good to be true" ani ni Papa sa aming salo salo
"Mahal kung ano man yan mag-iingat ka at baka ikapahamak mo pa iyan" sagot naman ni Mama
"Kung wala silang tinatago edi mabuti pero kung meron man ay malalaman ko iyon"
"Basta magiingat ka mahal ha" wika ni Mama
"Ang cute kong anak, kumusta ang araw mo ngayo ?" Tanong ni Papa
"Ahh okay lang naman po. Nagmeryenda lang kami nila Hernie kanina sa karendrya atsaka sa school naman Papa ay okay naman po" sagot ko kay Papa
"Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha para may reward ka sakin" turan ni Papa na nagpalapad ng ngiti ko
"Ano yun papa?" Nagagalak kong tanong
"Basta! Secret ko na iyon kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo" tanging sagot ni Papa kaya mas lalo akong naeexcite sa pag-aaral para makakuha ng malaking marka.
Matapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang mag-aral ng mga aralin namin para bukas.
Matapos ang mahaba habang pag-aaral ay naisipan ko nang matulog para hindi ako mapuyat.
I was about to sleep when my phone rang kaya agad ko itong kinuha.
"Hello?"
"Hi Jamie, si Marco ito"
"Oh anong satin Mr. Villafuerte"
"Grabe ka naman sa Mr. Vilafuerte hahahaha pero ito nga may gusto akong sabihin"
"Ano ba yun?" Tanong ko
"Ahhm pasyal tayo bukas nila Hernie sa bahay nila Nay Soling bukas kasi birthday niya" pag-aaya niya sakin
Si Nay Soling ay asawa ni Mang Narding ang second parent daw ni Marco na palaging nanadiyan dahil madalas naman na maleft alone or hindi masali si Marco sa mga ganap ng Villafuerte.
Even Tatay Marcelo ay hindi daw siya minsan gusto isama kasi nakakasira daw siya sa imahe ng pamilya dahil tampolan talaga ng tsimis ang pagiging anak niya sa labas.
"Segi ba game na game kami dyan ni Hernie basta pagkain"
"Yey salamat Hernie atsaka tamang tama lang bukas dahil friday naman at wala rin sila Daddy kasi may pupuntahan daw" wika ni Marco
"Segi mas mabuti nga iyan"
"Goodnight Jamie"
"Goodnight din sayo Marco"
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang tumulong sa pagaasekaso sa aming agahan at baon sa school.
Nagbabaon lang kami ni Papa kasi mas masarap ang luto ni Mama at isa pa makakatipid din kami.
Kailangan din kasi namin mag-ipon kasi nga nagsisimula palang kami sa bago naming buhay.
Inihatid muna namin ni Papa si Mama sa karenderya bago niya ako ihatid sa school.
Ito ang set up namin na palagi kaming ihahatid ni Papa sa umaga at sa uwian ko naman ay mag tricycle nalang kami ni Hernie pauwi dito samin.
"Bye anak pagbutihin mo ha"
"Bye Papa mag-ingat po kayo" sabi ko habang naka ngiti at kumakaway sa palalayong kotse ni Papa.
"Goodmorning Section Einstein" bati ni Sir Cruza
"Goodmorning Sir Cruza, Goodmorning everybody" sabat naman namin
"Okay as promised last meeting ay magkakaroon tayo ng long quiz ngayon"
"Get one and pass the test sheets students at ibalik sakin ang sobra"
"Okay all are settled, your timer starts now. You only have 30 minutes to ansser the test kaya Godbless at pagbutihin ninyo"
"Bakla goodluck satin" wika ni Hernie na katabi ko. Hernie is a scholar sa school na ito.
Buti nalang at nag-aral ako kagabi kaya confident ako sa mga sagot ko sa test.
"Okay times up guys! Pass your ansser sheet to the front" wika ni Sir
"Okay class habang nagchecheck ako sa test niyo ay I want you to copy this notes para sa lecture natin bukas" dagdag pa ni Sir
"Oy Hernie kamusta ang test?" Tanong ko sa katabi ko
"50/50 ako friend hindi ako sure saiba kong answer ang hirap naman kasi lalo na sa problem solving na part" wika niya at napa buntong hininga
"Ikaw ba?" Tanong niya
"Parang okay lang at confident naman ako na papasa ako sa test"
"Ay iba ikaw na friend ang pinagpala ng katalinuhan. Tandaan mo na Calculus ito. Ang hirap kaya kainis" wika niya at inirapan ako kaya tinawanan ko lang siya
"Okay class I have now the result of the test. I will just announced the top 5 highest score and the rest bukas niyo na malalaman ang scores niyo"
"We got only one who got a perfect score" wika ni Sir na may ngiti
"We all know naman na si Sandra iyon" wika ni Eunice na isa sa bitchesang friend ni Sandra
"With 95 points, congrats to Eunice Pineda" wika ni Sir kaya nagpalakpakan kami at si Eunice naman ay tumayo at winagayway ang kamay na mistula isang beauty queen.
"Tied with 97 points, Congrats to Hernando Bagacay at si Jared Marasigan" pag announce ni Sir
"Salamat po Sir pero sana Hernie talang para mas bongga" wika ni Hernie kaya nagtawanan kami
"Okay okay Mr. Hernie" natatawang wika naman ni Sir
"Voklo congrats yiieee" wika ko at pinalakpakan sila
"With 99 points, please congratulate to Sandra Villafuerte" wika ni Sir kaya natahimik ang lahat at mistulang naiinis at galit na galit ang mukha ni Sandra
Spoiled Brat talaga, ang sama sama ng ugali ni hindi makatanggap na may mas mataas sa kanya.
"Wait Sir I protest baka naman po nagkamali lang kayo sa pag check" naiinis na turan ni Sandra na paramg iiyak na sa galit
Ganyan ba talaga siya walang tinatanggap na kamalian. Hindi magandang ugali iyon at nakakabaliw ang ganyang pananaw sa buhay na everyone is under or lower than you.
"No Sandra, I've already checked it twice at wrong ka talaga sa isang item which is using union of functions instead of intersection of domain of each function" wika ni Sir kaya hindi na siya nakapalag.
"And our highest score and the one who got a perfect score is no other than Jamuel Iemier Acosta. Palak pakan natin siya" wika ni Sir na nagpagulat sakin
"Wahhhhhhh congratssss frennnyyyyy ang galing galing mo" hiyaw ni Hernie at nag bow sign pa. Kaya tinawanan ko lang siya.
"Class Dismissed!"
Ang mga alipores ni Sandra ayon masama ang tingin samin ni Hernie at mas lalo na sakin.
"Bakla pabayaan mo na yan. Ganyan talaga yan siya walang tinatanggap na pagkakamali na akala mo perfect siyang tao. Yuck kasuka. Isa palang yan bakla marami pang iba na hindi mo alam. Hayssss spoiled brat nga talaga" chika sakin Hernie
"Tara na nga at baka marinig ka niyan"
---
YOU ARE READING
The Garcia #2: Planning Revenge with My Two Hot Brothers
RomansaPano kung tulungan ka nang dalawa mong Kuya sa binbalak mong paghihiganti kasama na dito ang pagtuturo sayo sa mga maka-mundong bagay.