Prologue:
The city lights stretched far into the night, a glittering blanket of secrets and stories hidden in shadows. Nakatayo si Serriene sa balkonahe ng kanyang condo, nakatanaw sa malayo habang ang liwanag ng mga gusali ay gumuhit ng mga aninong tumawid sa kanyang mukha. Hinila niya ang kanyang coat, pilit na pinipigil ang lamig ng simoy ng hangin. Para sa karamihan, ang siyudad na ito ay simbolo ng oportunidad, ngunit para kay Serriene, ito ay paalala ng buhay na pinili niyang takasan.
Tumutunog ang kanyang cellphone—isang tawag mula sa kanyang ama.
“Hello, my daughter?” boses ni Iluhan ang bumungad sa kanya.
“Hi, Dad!” masigla niyang sagot, subalit may bahid ng kaba.
“Just checking in on you. I worry about you being so far away.”
Napangiti si Serriene. Alam niyang ang ama niyang si Iluhan ay bihirang magpakita ng lambing, ngunit kapag nagagawa nito, palaging may halong pagkabahala.
“I’m good, Dad. Just been busy with work. My store’s been getting even more popular,” sagot niya, pilit tinatago ang kanyang takot sa ilalim ng saya.
“Proud of you, Serriene. You’ve come so far. By the way, I’ll visit your condo soon. It’s been a while since I’ve seen you,” aniya, ang tono ay puno ng pagmamalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Serriene, hindi maitatanggi ang halo ng saya at kaba. “Really? I’d love that!” sagot niya, bagamat may takot na unti-unting bumabalot sa kanyang isipan.
“Just remember, my daughter, the world we live in can be dangerous. Always be careful,” dagdag ng kanyang ama, ang boses nito ay tila bumabalot sa kanya ng mga alaala ng kanilang nakaraan.
Serriene bit her lip, her heart racing at the thought of the hidden dangers that loomed around her. “I will, Dad. I promise,” sagot niya, ngunit sa kanyang isipan, unti-unting bumabalot ang mga pag-aalala.
Bago siya pumasok, tiningnan niya muli ang kanyang cellphone, iniwan ang skyline ng siyudad ngunit hindi ang aninong maaaring sumubok sa bawat prinsipyo niya. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin, parang nagdadala ng babala. Sa bawat paghinga, naramdaman niyang ang presensya ng isang bagyo na paparating, isang panganib na maaaring sumubok sa kanyang lakas at pananampalataya.
Kailanman, hindi siya handa sa mga pagsubok na dulot ng kanyang nakaraan, ngunit pinili niyang ipaglaban ang kanyang hinaharap. Sa kanyang puso, alam niyang kahit anong mangyari, kailangan niyang manatiling matatag. Paano siya makakaligtas sa madilim na daan na naghihintay sa kanya?
YOU ARE READING
Beneath the Armor
ActionSerriene Devereux, the independent, fashion-forward daughter of a powerful mafia boss, lives a life split between glitz and danger. She's built her own empire as a fashion designer and makeup brand owner, distancing herself from her father's crimina...