Chapter 2: the armor
Serriene POV
Pagkababa ko mula sa kotse, agad kong napansin ang mga pulis at ambulansya na nagkalat sa paligid ng gusali. Pinalibutan ng mga police barriers ang buong lugar kitang-kita na may nangyaring malubhang krimen. But what really made my heart race was seeing two of my father's men. Ang isa, duguan at walang malay, isinakay sa ambulansya, habang ang isa naman ay sugatan ngunit nakatayo pa rin.
Agad akong lumapit, pero bigla akong hinarang ng mga pulis. "Sir, kilala ko po sila," sabi ko, sinusubukang kalmahin ang boses ko kahit na nanginginig ako. Sa wakas, pinayagan nila akong makalapit.
Nang makalapit ako, tumingin sa akin ang sugatang tauhan ni dad at agad na nagsalita, “Ma’am Serriene, buti na lang wala kayo sa condo niyo. Kailangan mong umalis dito agad—tawagan mo si boss. Lumayo ka sa lugar na ‘to.”
Gusto ko pa sanang magtanong, gusto kong maintindihan kung ano talaga ang nangyari, pero hindi na niya ako sinagot at agad na isinakay siya sa ambulansya. Inihanda na ito para umalis patungong ospital.
Pakiramdam ko, hindi pa rin ako makahinga. Kaya nilapitan ko ang isang pulis at tinanong kung ano talaga ang nangyari. Sabi niya sa akin, “May grupo ng mga armadong lalaki na sumugod sa condo niyo, Ma’am, at walang awang pinagbabaril ang buong gusali. Sa kasamaang palad, nakatakas ang mga gumawa nito.”
Nanghina ako. Wala na akong nasabi. Ang condo ko… sino kaya ang nasa likod nito?
As soon as I dialed his number, dad answered almost immediately, his voice heavy with concern.
“Serriene, where are you? Are you alright?”
“I’m… I’m okay, dad. But… it’s terrifying here. The police and ambulances are everywhere outside my condo, and your men… they’re injured…” Nanginig ang boses ko habang pilit kong ipinaliwanag ang mga nakita ko.
He took a sharp breath. “Listen to me, Serriene. You can’t stay there. Pack your things—only what’s important. Someone is coming to get you. I’ll tell you exactly what vehicle to look for and who will be driving.”
“dad… who would do this? Why—”
“There’s no time for questions, my girl. Your safety comes first. Just trust me.”
I nodded even though he couldn’t see me, swallowing down the urge to ask more.
“A black SUV will pick you up. Mang Enrico will be driving. You are not to leave with anyone else, do you understand?”
“Yes, dad…” I whispered, still shaken but trying to keep it together.
“He’ll arrive in about an hour. Wait there.” And before I could respond, he had already hung up.
Matapos kong makausap si dad, lumapit ako sa isang pulis at sinabi kong kailangan kong pumasok sa loob ng condo ko. Pumayag naman siya ngunit iginiit niyang sasamahan niya ako para matiyak ang aking kaligtasan, kaya tumango na lang ako.
As soon as I stepped inside, I froze. The place was a mess. Bullet holes riddled the walls, shattered glass lay scattered across the floor, and the sight overwhelmed me. Tears pooled in my eyes as I took it all in. Ang lahat ng pinagpaguran ko… unti-unting nawawala, nasisira sa isang iglap.
Pero kailangan kong magpakatatag. Pinilit kong lunukin ang lungkot at kaba. Mabilis kong kinuha ang mga pinakamahahalagang gamit mga dokumento, mga alahas, at ilang personal na bagay. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupuno ko ang maleta, pilit na iniiwas ang tingin sa kaguluhan sa paligid.
Pagkatapos kong mag-impake, dumating na rin ang sundo ko isang itim na SUV na may presensyang hindi matatawaran. Bumaba ang isang matandang lalaki mula sa driver’s seat at mabilis akong sinalubong.
YOU ARE READING
Beneath the Armor
ActionSerriene Devereux, the independent, fashion-forward daughter of a powerful mafia boss, lives a life split between glitz and danger. She's built her own empire as a fashion designer and makeup brand owner, distancing herself from her father's crimina...