Chapter 5: Dark secrets
Serriene’s POV
Tahimik ang paligid, at nararamdaman ko ang tensyon habang nakatingin kay Kane. Alam kong may bumabagabag sa kanya, ngunit kahit anong tanong ko, hindi siya nagbibigay ng malinaw na sagot. Parang may pader sa pagitan namin—isang pader ng mga lihim na hindi ko matibag.
“Kane,” tawag ko, pilit na sinusubukang makuha ang atensyon niya. “This Saturday is important to me. I need to go to Lavinia’s club opening. Promise ko sa kanya ‘yun.”
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon niya parang may bagay na pilit niyang kinakalaban sa sarili. Halos mabasa ko ang alinlangan sa kanyang mga mata. “Serriene, it’s too risky,” sagot niya, ang tono niya ay puno ng alanganin. “We can’t just let you walk into a public place with so many people around.”
Ngunit hindi ako nagpatinag. “Kane, Lavinia is my best friend. I promised her I’d be there. Hindi ko siya bibiguin.”
Ilang sandali siyang tahimik, tila iniisip kung ano ang sasabihin. Naramdaman ko ang bigat ng bawat segundo. Para bang may bumubulong sa akin na hindi lang simpleng desisyon ang iniisip ni Kane, kundi isang bagay na maaaring magbago sa lahat.
“I’m doing this to protect you, Serriene,” mariin niyang sinabi. “The risks involved… they’re bigger than you think.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya, at mahigpit na tinignan siya sa mga mata. “Kane, I know you’re keeping your job, but you can’t just keep me locked up like this. Lavinia is counting on me. Please, kahit ngayon lang, just trust me.”
Nagtagal ang katahimikan, at sa bawat segundo, naramdaman ko ang bigat ng desisyon niya. I know something’s bothering him, perhaps the burden of protecting me from dangers I can’t fully understand. But I can’t break the promise I made to Lavinia.
“Fine,” mahina niyang sabi, tila nag-aalangan pa rin. “But if anything happens, we leave. No questions asked. Do you understand?”
Naramdaman ko ang bahagyang saya sa dibdib ko, ngunit hindi ko rin maiwasang makita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Para bang may inaasahan siyang mangyayari, at gusto kong sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat.
“Thank you, Kane,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. “I promise, nothing will go wrong.”
Ngumiti siya nang bahagya, pero alam kong hindi pa rin natitinag ang kanyang pag-aalala. Ngunit sa kabila ng lahat, nakuha ko ang kanyang pahintulot. This is a small step away from being trapped within the walls of this mansion.
Bakas pa rin sa mukha ko ang excitement matapos akong payagan ni Kane na pumunta sa opening ng club ni Lavinia. At ngayon, isang bonus na nga ang makasama siyang mag-shopping para sa mga gamit na kailangan ko lalo na para sa damit na isusuot ko para sa event na ‘yon.
Habang naglalakad kami sa isang upscale mall, napatingin ako kay Kane. Tahimik lang siya, pero alam kong alerto sa paligid. Palaging ganoon si Kane parang laging may binabantayan, kahit saan kami magpunta.
“Ang seryoso mo, Kane,” biro ko, sinubukang pabayaan ang kaba ko. “Don’t tell me na first time mo lang mag-mall?”
Nagbigay siya ng mahina, alanganing ngiti. “Just focusing. I’m here to make sure you’re safe, Serriene, hindi para mag-enjoy.”
Napairap na lang ako, pero alam kong kahit gano’n siya ka-seryoso, may ibang side din siyang lumalabas. Itinuro ko ang isang designer store sa unahan, siniguradong makita niya.
“Here, let’s go in,” sabi ko habang hinila siya papasok sa shop. “I need to find the perfect dress.”
Tumango siya, tahimik pa rin ngunit sinundan ako sa loob. Lumapit ako sa isang rack ng magagarbong damit, at nagsimula akong pumili. Nang makahanap ako ng tatlong damit na sa tingin ko’y babagay, tumingin ako kay Kane. Gusto kong makita ang reaksyon niya.
YOU ARE READING
Beneath the Armor
ActionSerriene Devereux, the independent, fashion-forward daughter of a powerful mafia boss, lives a life split between glitz and danger. She's built her own empire as a fashion designer and makeup brand owner, distancing herself from her father's crimina...