"Ghaaaaaad!!!" I rolled my eyes and closed the book that I'm reading.
Hindi ko talaga kaya ang mga ganito ka intimate na mga story basahin. As usual tiniklop ko ang libro at nag imagine muna bago eh skip ang page na yun. Sa edad ko na 17, hindi pa ako naka-experience ng intimacy kasi never pa naman ako nagkaroon ng boyfriend.
Kung magkaroon man ako ng boyfriend sana kasing gwapo ng bida sa libro na binabasa ko. Yeeeeeh. Na intriga ako sa libro na to matapos namin panourin ni Stazy ang movie na ito last year. Nabitin ako sa ending at naghihintay pa ako ng sequel.
Si Stazy ang nag recommend na basahin ko ito. Kasi tapos na raw niya at maganda ang story. Well, ang maganda sa kaniya ay iyong mga story na may love and sex. Kasi hindi siya nagbabasa kung hindi ganoon ang genre. Binasa ko naman ang libro pero dahil awkward ako sa intimacy, I skipped all the pages na may mga ganito. Nasa book four na ako ngayon.
Maganda nga ang story, parang nakasakay lang ako sa roller coaster na minsan nasa taas at minsan nasa baba dahil sa iba't-ibang feels. Pinaglaruan nito ang puso ko na minsan hindi man lang nakaranas ng love. Ehhh???? Nanindig ang mga balahibo ko sa naisip. Ang cringe.
Nagulat ako ng may sumundot sa likod ko. Kaya napatayo ako sa bench na inuupuan ko. Hindi ko kilala ang sumundot kaya naman nakaramdam ako ng takot lalo na at ang weird niya kahit na babae siya. Hindi siya nakasout ng uniform namin, saka medyo may edad na siya. Nakasout siya ng jeans saka puting blouse. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ng matagal na parang pinag-aaralan ito. Binawi ko naman agad saka tiningnan siya ng nagtataka.
Hindi siya umalis. Tinititigan niya lang ako saka siya nagsalita.
"Napakaganda ng iyong mga kamay. Kasing ganda ng iyong magiging kapalaran kapag ang iyong puso ay iyong bubuksan." Magandang kapalaran? Nagpapatawa ba siya?
"Ang taon na to ang magiging simula. Huwag mong pigilan ang iyong sarili na maging masaya." Umalis siya nang nakangiti. Weird. I just rolled my eyes and look at her back with so much disgust.
Magiging masaya lang siguro ako kung makita ko sa personal si Kim Soo Hyun. Tssshh. Natigil ang daydream ko ng mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman na hindi tumitingin sa screen. Sino pa ba ang tatawag sa akin maliban kay Stazy?
Anim na tao lang naman ang laman ng contacts ko at si stazy lang naman ang makulit sa kanila. Tawag ng tawag at text ng text para lang mag kwento ng mga ganap sa buhay niya pati pagtatae niya. Gross diba. Kung hindi pangalan niya ang laman ng inbox ko. Text galing kay Globe ang natatanggap ko na nagpapasalamat sa pagbayad sa call and text plan ko, at si PLDT na nagsasabi na may free speed boost ang internet ko.
Ganito ako ka sociable. Kung hindi dahil kay Stazy baka invisible pa rin ako hanggang ngayon kagaya noon sa dati kong school noong Junior pa lang ako. Nag-iba na talaga ako dito sa Amity Academy dahil lang kay Stazy at Dave. Ngumingiti na ako, lumalabas na nang bahay at nakikipag-usap na rin.
"Oh, bakit Astazia?" tanong ko sa kaniya. Kahit na hindi ko siya nakikita ay nai-imagine ko pa rin ang kaartehan niya. Maarte siya. Maldita. Pero kapag kaharap niya mommy at daddy niya prim and proper na kahit langgam hindi kayang apakan.
"Liz! Nasan ka? Nandito na ako sa school." Ewan ko ba kung ano ang pinapakain sa kaniya ng mga magulang niya at palagi siyang hyper. Sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako at pinuntahan ko na lang siya sa loob ng school.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit sa auditorium.
"You'll finish that book na bitin na bitin ka. Kasi you always skip the intimate part." Ngumunguso siya habang nakahalukipkip. Nilagyan ko ng bookmark at tiniklop ang libro saka hinarap siya.
YOU ARE READING
Wrapped in Love
RomanceAmity Academy Series #1 This is a taglish story. SPG po ito. Haha. Joke lang. Honestly, I don't have any intimate experiences so whatever is written here is just purely based on my imagination. Well, I watch a lot of movies, korean dramas, and other...