CHAPTER 5: LIMITLESS

6 2 1
                                    

"Sige na Liz. Mas mapapanatag ako kung hatid-sundo ka ni kuya rey." Kanina pa ako pinipilit ni tita vanessa na hayaan si kuya rey na sunduin ako dito sa bahay saka ihatid sa school. Tapos kung hapon susunduin ako sa school at ihahatid dito.

Sabi niya kasi malayo ang nilalakad ko every day kasi hindi pinapapasok dito ang mga taxi. Eh okay lang naman sa akin kasi sanay na naman ako, saka exercise iyon every morning and afternoon.

I refused multiple times but she was very insistent and determined. In the end, I said yes. Simula Monday, kuya rey will be driving me to school. Susunduin niya rin ako at ihahatid dito, then babalik siya sa mansiyon nina tita. Kung hindi kasi ako papayag, papabalikin niya ako sa kanila at doon na maninirahan ulit. Wala akong magagawa dahil mas gusto ko ang bumukod kaya napapayag na rin.

Kaya nang mag-monday, hindi na ako nagtaka ng nasa labas na si Kuya rey at iniintay na ako. Hinayaan ko na rin siya na pagbuksan ako ng pinto. Nasanay na rin ako dahil dati siya rin ang taga-hatid at sundo ko.

"Hi Avery." Masayang bati ni Kirsten pagkababa ko ng sasakyan. Napataas ang kilay ko dahil hindi naman siya ganito ka friendly dati. Pero, infairness ha, hindi ako nahirapan ngayon na itaas ang kilay ko. Wala sa sariling napangiti ako. Si kirsten lang pala ang makakapag-pagaling sa akin. Tsss.

"How's your weekend?" Feeling close? Alam ko naman na may hidden agenda ito kaya kunwari friendly. I kinda know her reputation because of some hearsays. She has a severe attitude problem. Probably worse than astazia. Or mas malala si astazia? But Astazia has a pure heart. Unlike the things I've heard about this girl kirsten. She is manipulative and a bitch. I haven't experience it firsthand but I don't wanna be tangled with her so I tried to be distant.

Hinarap ko siya saka sinagot ang tanong niya para naman hindi siya ma offend na hindi ko siya pinansin. Baka bukas, nalaman na ng boung campus na snob ako at hindi namamansin. Though, may konting katotohanan naman doon pero ayaw ko lang na pinag-uusapan.

"Okay lang." Sagot ko sa kaniya saka nginitian ng kaunti.

Bago ko siya talikuran at naglakad papuntang building namin, I saw that her smile was slowly fading. I hope I didn't offend her. I shrug and continue walking towards our building.

Hindi nga ako nagkamali, kinabukasan may narinig akong tsismis na snob daw ako at ma-attitude. May nakarinig daw sa convo namin ni kirsten sa parking lot at minalditahan ko raw si kirsten at pinagsalitaan ng kung ano kaya umiyak. Nang makasalubong ko nga siya kahapon, namumugto ang mga mata niya.

Sinasabi ko na nga ba eh. Walang mabuting maidudulot ang pakikipaglapit sa babaeng iyon lalo na kung hindi ka niya gusto.

Mabuti na lang at alam ni stazy at dave ang totoong nangyari. Pinigilan ko na nga lang sila dahil gusto ng mga ito na eh confront si kirsten eh.

Siguro mga isang linggo rin bago humupa ang usap-usapan tungkol sa pagpapaiyak ko kay kirsten. Mabuti naman, dahil ayoko na pinag-uusapan ako ng ganoon.

Hindi ko na rin nakakasalubong si Gavin. Simula nang hinahatid-sundo ako ni kuya rey bihira na kami magkasabay. Palagi kasing nauuna ang dismissal namin. Kung makikita ko naman siya, siguro, tuwing napapadaan siya sa classroom namin kasama ang mga kaklase niya. Syempre isa na doon si kirsten.

Isang linggo ulit ang lumipas na ganoon ang scenario na nakikita ko. Sana tinted ang mga bintana ng mga rooms, hindi ganito na clear at kita ang nasa labas. Close nga ang mga bintana dahil aircon pero kita pa rin ang nasa labas. Dapat hindi ganito, para hindi ko nakikita ang mga dumadaan dito, lalo na sina gavin at kirsten na mukhang naglalandian pa. Tsshh. PDA!

Boung linggo yata akong wala sa modo at napapansin na nina stazy at dave kaya nang nagyaya sila na mag dinner out kami, pumayag na ako kahit Thursday pa lang at may pasok pa bukas. Samgyupsal daw ang gusto nila at gusto ko rin iyon kaya nang uwian na, excited ang dalawa. Nakisabay na rin ako sa mga tawanan nila.

Wrapped in LoveWhere stories live. Discover now