CHAPTER 6: SPHERE

4 2 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Gavin sa mall dahil sinamahan niya ako na bumili ng macbook. Nagloloko na kasi ang laptop ko at nahihirapan na ako na gamitin iyon. Kahapon nang makauwi na kami, tinanong niya ako kung ano ang plano ko ngayon. Nang sinabi ko sa kaniya ang plano ko, sasama raw siya dahil bibili din daw siya ng bago kaya pumayag naman ako.

Nakita ko ang pagtataka sa mga titig nina stazy kanina nang nagpaalam ako na sasama ako kay gavin sa pag-uwi. Kahapon kasi sa Sam-G, hindi kami nag-uusap at iniwasan ko rin siya kaya nakakagulat nga naman na makikita na lang nila kami na magkasama.

"Let's choose the same version." Napatingin ako kay gavin ng bigla siyang magsalita sa likod ko.

Tinuro ko naman ang latest version ng macbook. Iyon kasi ang gusto ko kasi maganda raw ang specs saka mahaba ang battery life.

Tumango naman siya at tumawag ng mag a-assist sa amin. Napapangiti na lang ako habang tinitignan siya na seryosong nakikinig sa nag a-assist sa amin. May mga tanong siya rito na hindi ko maintindihan pero nagpapanggap na lang ako na nakikinig kahit na ang totoo ay nakatitig lang ako sa kaniya.

Malala na talaga ako. Tama pa ba itong ginagawa ko? Okay lang ba na maging magkaibigan kami kahit na may gusto ako sa kaniya? Sa mga nababasa ko, laging umiiwas ang mga babae dahil ayaw masaktan, pero hindi naman ganoon ang nangyayari dahil mas lalo lang silang nasasaktan kapag umiiwas sila. Kaya naman susubukan ko na huwag umiwas at hayaan na lang.

We decided to eat our dinner first before going home. Gavin is carrying our macbooks when we enter the restaurant. Hinayaan ko na lang siya na magbitbit dahil gusto niyang magpaka-gentleman. Napangiti naman ako na mag-isa.

Parang kami na kung umasta. Hindi pa naman ahh. Sus manligaw ka po muna. I can't stop myself from smiling.

Nagpalinga-linga ako sa loob ng restaurant na napili ni gavin. Nahagip naman ng tingin ko ang nakaupo hindi kalayuan sa table namin. Agad kong napansin si Kate dahil umiiyak ito. May kasama itong lalaki na base sa uniform na sout, galing itong Montessori High.

"Where are you staring at?" Tanong ni gavin na nilingon din ang tinitingnan ko. Nang makita niya si Kate ay kumunot din ang noo niya.

Tumayo ang lalaki at nakita ko na ng bou ang mukha niya. Kilala ko ang itsura niya dahil palagi siyang kasama ni kate noong Junior High pa lang kami. Hindi ko lang matandaan ang pangalan pero popular couple sila dati sa Montessori.

Dinaluhan niya si kate at pinunasan ang mga luha nito. I'm in awe while staring at them. That's just so sweet. Lalo na nang hinalikan nito si kate sa buhok at niyakap. May binulong ito kay kate at tumango naman ito saka umalis na sila na magkahawak ang mga kamay.

Napangiti naman ako habang sinusundan sila ng tingin. Siguro nagkaayos na sila or kung hindi man sila nag-away at may problema lang si kate, siguro naalo naman siya ng boyfriend niya.

Nang bumaling ako kay gavin hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko pero ng makita ang pagkakunot ng noo niya habang tinitignan ako ay napawi ang mga ngiti ko at biglang na conscious.

I saw a ghost of a smile for a brief moment. "Do you enjoy watching couples fight and make up?" Aniya.

"Not really. Its better if they don't fight." Tugon ko naman sa kaniya at tumango-tango lang siya.

"Ikaw?" Tanong ko naman sa kaniya.

"It's only normal for couples to have an argument. That's what makes every relationship strong." He answered and I got confused. "As long as they resolve it right away. Talk it out and hear each other. Communication is the key for any misunderstandings." He added when he noticed my confusion.

Wrapped in LoveWhere stories live. Discover now