Umahon ako sa pool for a better vision. Naiahon na rin ni Lee si Stazy pero wala na itong malay. Tulala lang si dave habang naka-tingin sa kaibigan namin na walang malay.
Tinulungan ni gavin si lee na iahon si stazy sa pool. Agad naman akong lumapit at tumulong na rin na dalhin si stazy sa gilid. Itinabi kami ni lee at binigyan ng CPR si stazy. Paulit-ulit niyang binibigyan ito ng chest compressions pero walang response galing kay stazy.
Natakot ako kaya tinakbo ko ang tote bag ko sa upuan na nilagyan ko kanina at hinanap ang phone ko. Tatawag ako ng rescue.
"Rescue breaths daliii." Utos naman ni dave kay Lee. At iyon nga! Alam na yata ng lahat kung ano siya. Iba na kasi ang tili niya.
Ilang beses na binigyan ng hangin ni Lee si stazy sa bibig. Pero bakit ganoon? Walang nangyayari. Kinakabahan na ako at naiiyak na. Lumapit ako kay dave at kumapit sa braso niya. Niyapak niya naman ako at umiyak na kaya napaiyak din ako.
"Ta*na!" Malutong na mura ni Lee ang nagpatigil sa amin ni dave.
Napalingon kami at tiningnan si stazy na ngayon ay nakangiting nakatingin kay Lee.
Shetttt? Did she stage that? Agad kong in-end ang call for rescue at tiningnan si stazy ng nagtataka.
Napasabunot si lee sa sariling buhok at pulang-pula na sa galit. Natauhan naman yata si stazy kaya tumayo na siya at dinaluhan ito.
"Sorry na! Gusto ko lang naman na maligo ka kasama namin eh." Hinawakan niya sa braso si lee pero iwinakli siya nito.
Naiintindihan ko ang galit ni Lee. Kahit na kaibigan ko si stazy hindi ko siya kakampihan sa part na ito.
"Bakla ka!! Bakit mo ginawa iyon?! Papatayin mo kami sa nerbiyos at takot!!!" Nilapitan ni dave si stazy saka hinatak ng mahina ang buhok nito.
Tiningnan ng masama ni Lee si dave dahil sa ginawa pero hindi na niya ito sinaway pa dahil sa nangyari na naman ang pagsabunot.
Nagkatinginan naman kami ni gavin at napailing din ito. Lumapit siya sa akin at binulungan ako kung okay lang ba ako. Tumango naman ako dahil hindi naman ako ang nalunod. Nilagyan niya ako ng tuwalya sa likod. Siguro nakita niya ang panginginig ko dahil sa lamig at nerbiyos.
"Damn it Maria Astazia!" Sigaw ulit ni Lee. "I know you're a brat but I never thought that your spoiled behavior is even worse than I could have imagined!"
"Sorry." Yumuko si stazy at parang sising-sisi sa ginawa.
"Hindi ko na uulitin. Totoo naman na nalunod ako eh, pero pinilit ko naman na lumangoy pabalik sa gilid. Pero ng makita ko na tumalon si Lee, nagpanggap na lang ako na nalunod." Inangat niya ang mukha at tiningnan kaming lahat pero tumigil ang mga mata niya kay Lee. Hindi ko alam kung takot ba ang nakikita ko sa mga mata niya o ano.
"Sorry talaga kung pinag-alala ko kayo. Akala ko kasi okay lang." Namumuo na ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Naaawa ako sa kaniya at gusto ko siyang lapitan pero pinigilan ako ni gavin. Umiling siya. Siguro mas mabuti nga kung hayaan namin si stazy na matuto sa ginawa niya.
Nilingon niya rin si dave. "Sorry, dahil sa nangyari, nalaman nila tuloy ang totoo sissy." Tumakbo siya papunta kay dave at niyakap ito sabay humagulhol ng iyak.
I know. The reason why she's crying is not only about revealing dave's identity. But also, she's hurt. Totally hurt by Lee's outburst.
"Go pack your things. We're leaving." Mahina na ngayon ang boses ni Lee ng sinabi iyon.
Kumalas naman si stazy sa pagkakayakap niya kay dave at tiningnan ito ng malungkot.
Tumango sa kaniya si dave. "It's okay sissy. Alam na nila. Sinabi ko na noong nag-gri-grill kami." Ani dave saka ngumiti kay stazy.
YOU ARE READING
Wrapped in Love
RomanceAmity Academy Series #1 This is a taglish story. SPG po ito. Haha. Joke lang. Honestly, I don't have any intimate experiences so whatever is written here is just purely based on my imagination. Well, I watch a lot of movies, korean dramas, and other...