It's only a few minutes drive papunta kina dave. Pinapasok naman kami sa village nila. Nag-iwan lang ako ng ID, ayon na rin sa protocol at naitawag na rin naman ni dave na papasukin kami dahil bisita niya kami. At dahil anak siya ni General Alvarez, nakapasok kami sa village nang matiwasay.
Pagdating sa harap ng bahay nila ay binuksan ko lang ang bintana saka kumaway sa guard nila dave. Ilang beses na rin akong nakapunta rito sa kanila kaya kilala ako ng guard. Nag salute siya saka ngumiti. Kumaway ako ulit at pinapasok na ni gavin ang sasakyan niya sa loob. Madali lang makahanap ng lugar para makapag-park.
Nandoon na rin si Astazia kasi naka-park na doon ang sasakyan nila. Sinout ko na ang tote bag ko at hinayaan na si gavin sa coke at sa kung ano pa man na dala niya. Sinalubong naman kami ng dalawa kong tsismosang kaibigan.
Pero hindi pala ako ang sasalubungin nila. Lumapit sila kay gavin na may nilalabas sa car trunk nito. Seriously?!
"Gavin! Buti naman at sumama ka. Birthday mo pala ngayon? Happy Birthday!" Si Astazia.
"Happy Birthday pare!" Si Dave naman.
Nagkatinginan naman kami ni stazy at tumawa. Feeling lalaki ang datingan ah. Pasimple niya naman kami na inirapan.
Tinulungan ni dave si gavin sa bitbit nitong paperbag.
"I brought food." Aniya.
"Sana hindi ka na nag-abala. Marami ditong pagkain. At saka ano itong coke? Marami ditong inumin." Tumingin naman sa akin si dave na may pagtataka kung bakit may dala pa itong coke.
Hindi ko pinansin ang nagtatakang tingin niya. Tssh. Kung alam mo lang na ako ang bumili niyan.
Naglakad na kami papasok sa bahay nila at dumiretso sa pool area. Nandoon si Lee, na nag-gri-grill. Siya lang yata at wala si Kuya Danny?
Bumulong si dave sa akin. "Double-date saka ako ang chaperone niyo." Tiningnan ko naman siya na may pagtataka pero inirapan niya lang ako.
Bumulong din ako sa kaniya. "So, nahahalata mo rin itong si stazy?" Tinaasan niya ako ng kilay saka umirap ulit.
"Sige ka mahahalata ka sa kaka-irap mo." Bulong ko ulit.
"Why are you both whispering?" Ani astazia na nahalata na yata ang bulungan namin.
Binalingan ko siya. "Don't worry, wala akong planong agawin sa iyo si dave. Iyong-iyo siya! Huwag mo akong pagselosan ha." Sinadya kong taasan ang boses ko at hindi nga ako nagkamali. Bumaling nga si Lee sa direction namin.
I smirked at dave when I saw his expression. The word 'EWWW' is visible on his face. Pero dahil malapit lang si stazy sa akin, mabilis niyang nahila ang buhok ko. Napa 'awww' ako kahit hindi naman masakit.
Tumawa ako sa reaction nilang dalawa. Nang bumaling ako kay stazy nakitaan ko siya ng kakaiba sa mga mata niya. Tapos ngumiti siya sa akin. I don't know but I feel a different emotion from her. Parang ang saya niya habang nakatitig sa akin? Parang hindi nanghila ng buhok ah?
A sigh of relief from her and then she hugged me. I can feel her shoulders shaking as if she was crying.
Agad kong nilagay sa malapit na upuan ang tote bag ko saka niyakap din siya. "Hey what's wrong?" I asked her with concern.
Napatingin din sa amin ang mga lalaki at mukhang nagtataka kung bakit umiiyak si stazy. Lalapit na sana si Lee pero sinenyasan ko siya na huwag na. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at hindi na lumapit pero hindi niya pa rin maalis ang tingin kay astazia.
Si dave naman natataranta sa tabi ko kaya sinipa ko siya para matauhan. Kulang na lang eh declare niya na 'bakla ako' natigil naman siya sa pagkataranta at umayos. Tinapik niya si stazy sa likod.
YOU ARE READING
Wrapped in Love
RomanceAmity Academy Series #1 This is a taglish story. SPG po ito. Haha. Joke lang. Honestly, I don't have any intimate experiences so whatever is written here is just purely based on my imagination. Well, I watch a lot of movies, korean dramas, and other...