CHAPTER 2 : STAIN

4 2 0
                                    

Lakad-takbo. Lakad-takbo. Iyan ang ginagawa ko ngayon kasi mala-late na ako. Late na ako nakatulog kagabi sa dami ng iniisip ko. Saka ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko. Ewan ko ba kung bakit ganoon.

Kaya ng nag alarm ang phone ko kanina, na cancel ko at nakatulog ulit ako. Nag book na nga ako ng car papunta dito sa school pero late pa rin ako.

Bawal din magpababa sa loob kasi bawal doon ang unregistered na mga sasakyan kaya hanggang entrance lang.

Strict kasi ang security department ng school.

"Those who are late, form your line here." Nilingon ko ang coordinator namin na kahit hindi naman galit, nakaka-intimidate pa rin. Strict ang coordinator namin, lalo na sa late at absences.

"Gliss Lorinne Avery? What happened? You've never been late!" She is staring at me like I did something so horrible.

I looked around when she mentioned my name since it feels like everyone was staring at me. Nakakahiya.

"You are a model student and also running for batch valedictorian." Napayuko ako sa sinabi ni Ma'am Santos. Iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matukoy kung saan na parte ng katawan ko ang masakit.

Gusto ko sanang sabihin na ngayon lang naman nangyari to. Pero syempre sinarili ko na lang ang isasagot. Ayaw ko naman na dagdagan pa ang kasalanan ko ngayong araw.

"Sorry Ma'am. I wasn't feeling well when I woke up this morning." My voice cracked. I'm not crying pero siguro dahil sa hingal ko at sobrang sakit ng pus-on ko. Shet! Menstrual cramps ba to?

Earlier, I wasn't sure which part of my body is in pain, ngayon alam ko na. It's the time of the month na nga. Damn!

"If you are not feeling well, you can just ask your guardian to call the clinic for an excuse slip." Mas lalo akong natahimik. Kasi sino naman ang tatawag sa school kung sakali na masama nga ang pakiramdam ko? Eh mag-isa nga lang ako sa bahay? Ngayon lang talaga to nangyari.

Napaangat ang mata ko nang may tumabi sa akin sa pila. Pero nandilim agad ang paningin ko kaya yumuko na lang ako ulit at pinikit ang mga mata ko.

Sheeeeettttt!!! Bakit ngayon pa?

"Are you okay?" Someone asked me. Probably the person who stood beside me.

Pero wait? Si Gavin ba to? I slowly opened my eyes and saw Gavin with furrowed brows. It felt like everything was spinning and before I could say 'I'm okay' my vision darkened and I felt like I was falling. Before I totally fell, I blacked out.

I woke up because of the cold. Nasaan ba ako? Bakit ang lamig ng aircon? I slowly opened my eyes and scanned the surroundings to see where I was.

"Ahh." I groaned in pain. My lower abdomen still hurts.

"Are you awake?" Nagulat ako ng bigla na lang bumukas ang kurtina sa tabi ng bed ko at dumungaw si Gavin na umayos ng upo sa kabilang bed. Nasa clinic ako sigurado.

"Do you feel better now? Or do you need anything?" Tanong niya ulit. Kung sana kayang pawiin ng guwapo mong mukha ang sakit ng puson ko. Hayyyyyy.

Tumayo siya at nilagay niya ang likod ng palad sa forehead ko. Ang OA nito. Wala akong lagnat! Tsansing to.

"I brought you here when you fell." Aniya na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko.

I reached for my knees and elbows checking if I have wounds pero wala naman.

"I caught you before you fell." He explained. Probably cautious that I'm checking myself for possible scratches.

"Thank you." My only response to him. I don't know how to react. Knowing na sinalo niya ako kanina at dinala pa dito.

Wrapped in LoveWhere stories live. Discover now