CHAPTER 9: STITCHES

1 2 0
                                    

Everyone is busy preparing for the upcoming activity kaya naman may rason ako kung bakit hindi ako nagpapakita kay gavin. Oo! Iniiwasan ko na naman siya. Nahihiya pa akong harapin siya matapos ko siyang nakawan ng halik. Hindi pa ako nakakapag-isip ng pwede kong gawing dahilan kung bakit nagawa ko iyon.

Normal lang naman siguro iyon? Pero, first time ko kasi ginawa iyon at nakakahiya. Nadala lang naman ako kasi parang ang comfortable ko sa kaniya nang time na iyon. Normal kung kay dave, kasi alam ko naman ang totoong identity niya at hindi ganoon ka awkward.

Nanghingi rin ako ng advice kay dave pero walang kwenta naman ang mga sagot niya. Umamin na lang daw ako. Tapos si Astazia ilang araw na na absent dahil nilagnat. Dinala pa nga siya sa hospital noong linggo dahil masyadong mataas ang lagnat.

"Aminin mo na lang kasi na crush mo siya. Malay mo crush ka rin niya." Iyan ang advice sa akin ni dave simula pa kanina. Hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses niya inulit ito sa akin. Siya lang kasi ang pwede kong tanungin kung paano ko haharapin si gavin.

"Dalawin kaya natin si stazy? Total, free tayo boung hapon." Wednesday na ngayon at ilang araw na na nasa hospital si Astazia.

"Tapos ano? Aawayin niya tayo kasi iyong inutos niya hindi pa natin nagagawa?" Pagtataray ng bakla.

"Hindi ka rin niya mabibigyan ng matinong advice sa ngayon."

Inutusan kasi kami ni stazy na habang wala siya, magpa-audition daw kami sa mga sasali sa dance competition. Free kasi kami ngayong araw dahil sa intended ang araw na ito para sa mga try-outs.

Hanggang ngayon, wala pa kaming nagagawa ni dave. Ang TVL, ABM, at HUMSS ay busy na sa audition samantalang kami na STEM busy rin. Iyong iba, busy kumain sa canteen, busy sa chismisan, at busy sa library. Tss.

"Edi simulan mo na!" Hamon ko sa kaniya. "Ikaw ang mas nakakaalam dahil kasali ka sa sumayaw last year."

"Tulungan mo ako!" Singhal niya naman sa akin.

Kinurot ko siya dahil napabaling ang mga kaklase namin sa amin dahil sa lakas ng boses niya.

"Alam mo hindi na ako magtataka kung hindi pa natatapos ang year na to ay buking ka na." Inirapan ko siya at nagbuntong-hininga.

"Libutin natin lahat ng rooms dito sa second floor at maghanap ng dancers." Aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"For sure ako lang ang maghahanap ng dancers, kasi pogi na naman ang hahanapin mo." Akusa ko sa kaniya.

"Part na iyon sa paghahanap, pero promise!!! Maghahanap ako ng magaling sumayaw. Three sections ngayon ang Grade 11 at sigurado ako na may mga magagaling doon." Nag-ayos na siya ng  mga gamit niya saka tumayo.

"Oh? Ano pa ang hinihintay mo diyan? Tara na!" Aniya sabay hatak sa akin. Bago niya pa ako tuluyan na mahatak ay kumuha ako ng notebook at ballpen sa desk ko, ipinasok ko rin ang phone ko sa bulsa ko.

"Sandali lang. Isama natin si Hailey!" Isa si hailey sa mga kasama nila sa dance competition last year. Nasa kabilang section siya kaya doon ako hinatak ni dave.

Sinilip namin si Hailey sa kabilang room pero wala siya. "Tanungin mo mga kaklase niya." Utos ko sa kaniya.

"Excuse me, nasaan si hailey?" Tanong ni dave pero ang mga mata nasa grupo ng mga lalaki na nag-uusap sa corner ng room nila. Napabuntong hininga na lang ako sa kaniya.

I noticed the girls elbowing each other. Hayy naku girls, kung alam niyo lang na pareho kayo ng gusto ni dave. Napangiti naman ako. Hindi rin kasi maiwasan na may magka-gusto kay dave. Guwapo rin kasi siya, matangkad at tsaka ang neat niya talaga tingnan.

Wrapped in LoveWhere stories live. Discover now