Chapter 13

0 0 0
                                    

Bago kami dumiretso ni Reyver papunta sa bahay ay inaya ko muna siya sa Eco Park dito sa Pag-Asa para kumain ng lugaw. Nag-aalala pa rin ako dahil paghatid niya sa akin mamaya ay mag-isa na lang siya pauwi sa kanila.

"Dalawang lugaw nga po."

Puno pa ang kaldero ng lugaw at umuusok pa, halata na bagong luto. Dis oras na ng gabi pero madami pa rin ang pumupunta dito, ang iba ay para tumambay at ang iba naman ay sumasadya dito galing sa trabaho.

Dala ko ang isang tray na may dalawang sulyaw ng lugaw ay dahan-dahan akong pumunta sa table namin kung saan naghihintay si Reyver.

"Umamin ka nga sa akin, gusto mo lang ba talaga mawala ang tama ng alak sa akin o gusto mo lang ako makasama ng mas matagal?"

"Umayos ka!" hindi pa ako tuluyan na nakakaupo ay bumanat na siya. "Concern lang ako dahil kasalanan ko pa kung maaksidente ka."

"Medyo inaantok na nga ako pero kaya ko pa naman."

"Kaya mo lang sabihin pero hindi mo alam kung hanggang kailan mo makakayanan ang antok mo. Mahaba-haba pa ang ibibiyahe mo simula sa amin."

"Ang cute mo pala maging concern, ano? Sana palagi kang ganito sa akin." ngumiti siya bago humigop sa kanyang lugaw.

"Tss!" nagsungit-sungitan ako para hindi halata na kinilig ako. "Huwag ka ngang ganyan, lalo na kapag nasa school tayo at kasama natin sila Sandra."

"Bakit? Ano ba ang masama sa mga ikinikilos ko sa iyo?"

"Baka kung ano na ang iniisip nila tungkol sa atin."

"Katulad ng ano?"

"Baka akalain nila na may something na namamagitan sa atin. Tingnan mo nga si DJ, nagulat na lang siya na close tayong dalawa."

"Ano naman? Anong masama kung isipin nila na may something tayo?" umirap ako sa kawalan. "Bawal ba iyon?"

"Oo, bawal."

"Bakit?"

Lumunok ako at tumikhim. "Dahil wala naman something sa ating dalawa."

Nakatingin siya sa akin at bahagya na napaawang ang kanyang bibig. Nilabanan ko rin ang pagtitig niya sa akin pero ilang segundo lang ang lumipas at siya na rin mismo ang kusang umiwas.

Hindi na ulit siya nagsalita. Naubos namin pareho ang lugaw nang hindi kami umiimik, hanggang sa maubos din namin ang isang baso ng tubig ay tahimik lang siya.

"Tara na, lumalalim na ang gabi." sabi ko at tumayo na.

Tinulungan niya ako na makasakay sa motor niya pero ramdam ko pa rin ang pagiging cold niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at bigla na lang naging ganito. Wala naman ako nasabi na hindi maganda kanina.

Katulad ng nakagawian nila mama at Tito Anton kapag ginagabi ako ng uwi ay nakaabang na sila sa labas ng gate para salubungin ako.

"Good evening po, Tito at Tita!" pagbati ni Reyver kila mama pagtanggal niya ng helmet bago bumaba sa kanyang motor at nagmano.

"Kumusta ang party?"

"Masaya po. Sobrang nalasing po si DJ." kwento ko.

"Hala! Nilasing ba ninyo?"

"Hindi po, tita. Ganoon po kasi talaga si DJ, kapag nakainom ay hirap na siya mag control tapos mabilis din naman malasing."

"Sino ang naghatid sa kanya pauwi?"

"Sila Iyvens at Sandra po ang kasabay niya, sakay po sila sa sasakyan ni Iyvens. Dapat ay siya po ang kasabay ni Reyver kaso ayun nga po at nalasing naman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon