Prolouge:
Started: June 17, 2015 10:57pm
(AN: Dedicated to Miss Jonaxx, sana po huwag kayong magalit.)
"Mr. Rozen.." marahan katok ko sa labas ng condo unit ni Mr. Elizalde. Mahigit limang minute na kong kumakatok sa labas ng pintuan nya pero walang sumasagot.
"Sir Elizalde.." sunod na tawag ko ulit sa kanya. Hindi na ko nakatiis hinawakan ko ang doorknob nya, laking tuwa ko ng hindi naka-lock ang pintuan ng condo nya.
"Mr. Rozen Elizalde.." ulit kong tawag sa kanya, dim light lang ang ilaw sa loob ng marangyan condo unit nya. Pinagpag ko muna ang mejo lukot kong palda na above the knee pati ang suot kong puting polo. Maging ang pagkakapusod ng buhok ko inayos ko din, gusto kong mag mukhang presentable kay Sir Elizalde. Ito ang unang pagkakataon na makapasok sa mundo ni Mr. Elizalde.
Tinignan ko ang limang patong na folder na hawak hawak ko, mejo mabigat pero ok lang, basta makita ko lang ng malapitan si Sir Rozen.
"Sir Rosen.." humakbang ako palapit sa isang pintuan na hinuha ko ay kwarto ni Sir Rozen, kinatok koi to pero walang sumagot.
Malakas na tunog ang narinig ko, parang may nabasag kaya pinuntahan ko ang pinanggalingan ng nabasog na kasangkapan.
"SIR ROZEN!!" mabilis kong nilapitan ang nakahandusay na si Sir Rozen, he look so wasted. Mahinang mura ang lumabas sa mga bibig ni Sir Rozen, inilapag ko sa mesa nya ang mga papeles na hawak ko mamaya ko na lang iintindihin yun. Uunahin ko muna si Sir Rozen.
Inalalayan ko sya tumayo dahil mas malaki sya ng sampung pulgada sa akin ay nahirapan ako.
"Ang bigat nyon naman Sir Rozen." Halos sa akin na sya kumukuha ng lakas para makatayo, nasipat ko ang matangos nyang ilong tatak Elizalde talaga parehas na parehas sila ni Kuya Dashiel at Sir Noah matatangos ang ilong. At ang balat nyang parang malasutla sa lambot kutis mayaman halatang gumagamit ng mamahaling lotion. Maging ang mahahaba ang malantik nyang mata nakakaakit tignan kahit parang nag-uulap ang mga mata nya.
"Ayy Sir!" napapikit na lang ako ng lumagabog ang pwet nya sa lapag.
"F-ucking ouch!" malutong ang mura nya habang hinihimas ang nasaktan nyang sasapnan. "..sorry po." Napakagat na lang ako ng labi ko, binuhat ko ulit sya patayo halos lumabas ang matres ko sa sobrang bigat nya.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nya, more grey ang theme ng kwarto nya. Ibinagsak ko ang katawan nya sa malambot nyang kama. ".. ang bigat nyo naman Sir Rozen bakit na naman ho kayo nag inom?" kausap ko sa kanya, kahit alam kong hindi sya sasagot. Hinubad ko ang mga sapatos nya at inayos ito sa ilalim ng kama nya. Maging ang blue polo shirt nito na nawala na sa pagkaka-ayos ay hinubad ko na din amoy pinaghalong sigarilyo-suka at alak ang umaalingasaw sa kanya. Oo na slight manyak na ko pero hindi ko matiis na hindi sya palitan at iayos ang sarili nya hindi ko maatim na iwan sya ng ganito ang itsura nya.
Niligpit ko ang mga gamit na pinaghubaran nya, lumapit ako sa cabinet para pumili ng ipapalit sa kanya hindi pwedeng nakahubad lang sya baka magkaroon ng pulmonya si Sir Rozen mahirap na.
"Coreen." Halos magsitindihan ang lahat ng balahibo ko.
Mahigpit ang mga bisig nya na nakayakap sa mga bewang ko.
"Sir Rozen.." halos manlambot ang tuhod ko sa paraan ng pagyakap nya maging ang paghinga nya sa may batok ko, parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko maging ang hanger na hawak ko ay nabitawan ko.
"Coreen please akin ka na ulit." Hinarap nya ako sa pamamagitan ng mga bisig nya na nakayakap sa akin.
"Sir Rozen.." unti-unting lumapit ang mga labi nya sa mukha ko na naging dahilan ng pagbigay ng tuhod ko, naging maagap naman ang mga kamay nya at inalalayan ang nanlalambot kong tuhod pakiramdam ko hinugot lahat ng litid na nagkokonekta sa mga buto ko.
BINABASA MO ANG
A Night with Rozen Elizalde
RomanceRozen Elizalde is one of the well known brothers of Elizalde Clan. Gwapo, mayaman at higit sa lahat gago kung magmahal, at ang maswerteng babaeng yon ay walang iba kung hindi si Coreen Samantha Aquino. Sinong hindi mababaliw sa isang Elizalde lalo n...