KABANATA 6

1.3K 25 12
                                    

KABANATA 6

JUNE 4 2016 11:40 am

   Hindi ko mapigilan na hindi mangatog ng mga tuhod ko. Dalawang Elizalde ngayon ang nasa harap ko. Feeling ko lumiit ang espasyo ng malawak na opisina ni Kuya Dashiel. Hindi ako makahinga, mainit at nakakaconcious gumalaw kapag ganito kagwapo ang nasa harap mo.

Naghihintay akong matapos na mag usap si Sir Rozen at Sir Dashiel sa hindi ko maintindihan pag uusap.

"I know Rozen you all plan for this."
"Nope Dash alam kong ganito talaga ang dapat mangyare. It was long over due! Noah have Megan now."
"Pero alam mong wala kang karapatan na paikutin silang dalawa for God Sake! Alam mo ba kung anong kakahinatnan ng kagaguhan mo."
"I get my pleasure. Stop being like a naggy brod! Im not here for your seniments. Nandito ko para sa business ko."

"Alright.. Alright ipapadala ko na lang sayo kapag natapos ko ng pag aralan tong proposal mo."

"Ok then so i need to go may pasok pa ko." kuminang ang hikaw nya sa pagtayo nya.

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad sya patungo sa labas.

"G-good morning po." bati ko sa kay Rozen.

"Morning too. Kuya now i know kung bakit di muna ginagamit ang mga sekretarya mo. Maybe one day yung mga ganitong style ng babae ang kukunin ko bilang sekretarya ko." ngumiti sya sa akin. " I like your simpleness."

"Leave now Rozen!"

Halos hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng oxygen. Alam kong foul ying unang sinabi nya pero yung huling salita nya! Leche nakakabaliw talaga ang mga Elizalde!

"Ms. Ides! Sorry for that. You know Rozen is still a brat!" he cursed again.

"Ok lang po. Bakit nyo ako pinatawag?" lumapit ako sa harap ng marangyang lamesa nya at ang wooden plate kung saan nakaukit ang pangalan nya.

"I heard about na dito ka natulog?" natakot ako bigla sa sinabi nya.

"Opo! Lumayas po kasi ako sa bahay ng Tita ko. Pero po hahahanap na po ako ng tutuluyan ko." paliwanag ko sa kanya. Baka galit sya at bawal mag overstaying sa labas ng building nya.

"Are you ok? Pwede ka naman na umalis just tell to your manager that youll have my permission."

"Ayy huwag na po.. Liliban na lang ako sa klase ko mamaya Kuya Dashiel. Para makahanap ng tutuluyan." sagot ko sa kanya. Ayoko naman na abusuhin ang kabaitan nya sa akin.

"Really is that ok with you?" tumango ako.

"May kailangan po ba kayo sa akin?"
"Wala na. You can leave now."

   Katulad nga ng pinangako kay Kuya Dashiel bago mag alas kwatro ay nag out na ako. Nilakad ko ang kahabaan ng eskinita malapit sa Malibay kung saan ako napadpad sa paghahanap ng pwede kong upuhan. Bed spacer ang naiisip ko na mas pinakamura bukod sa wala naman akong gasinong gamit eh makakatipid pa ako.

Halos trenta minutos na akong naglalakd ng napansin ko ang isang karatula ang nakasabit na kulay itim na gate.

"Tao po!" Malakas at paulit ulit kong sigaw hanggang sa lumabas ang babaeng nakasuot ng rollers sa buhok at may sindi na tabacco. Nasa mid 50's na ang hinuha ko.

"Mag iinquire lang po ako kung may available pa po kayong space?"
"Pumasok ka! Sa loob ko ipapakita sayo lahat." Strikto ang mukha ng babae sya siguro ang may ari ng dalawang palapag na upahan.

Sa unang palapag naabutan ko ang tatlong babae na nanunuod ng telebisyon. Dumiretso kami sa taas at apat na kwarto ang bumungad sa akin. White ang pintura ng pader habang ang lapag ay gawa sa makapal na kahoy na may pintura na brown.

"Apat na tao sa kada kwarto ang naghahati hati dito, Isang libo ang bawat buwan isang paunang bayad at deposito bale dalawang libo tubig at kuryente kasama na. Kanya kanya ng pagkain dito. Dito sa pangalawang kwarto may nag iisang bakante pa." Pumasok kami sa pangalawang kwarto.

May tatlong halos kasing edad ko din. Dalawa dito ay nakahiga sa sarisarili nilang higaan habang abala sa cellphone nila at isama naman ay abala sa pag aayos ng nurse cap nya halata sa puting damit nito na isa nga syang nursing student.

"Kukunin ko na po."
"Kaylan ka lilipat?"
"Ngayon na din po. Naiwan ko lang po sa opisina ang ilan sa gamit ko." Binilang ko ang dalawang libo na hawak ko at inabot sa kanya.

"May patakaran ako sa bahay na to, bawal magpatulog ng lalaki dito. At bawal mag inom sa loob ng bahay ko. Mahigpit talaga ako pagdating sa mga bisita na dadalhin nyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo."
"Sige maiwan na kita."
"Maraming salamat po." Isinarado nya ang pinto habang ako ay umupo sa higaan na nakalaan sa akin. Maayos naman ang kahoy na higaan at may manipis din na foam mas sa tingin ko ay komportable kaysa sa kung anong meron ako dati.

"Aalis na ko Sofia at Bea may duty pa ko. Paalam din sayo bukas na lang ako magpapakilala!" Ngumiti sya sa akin bago sya lumabas ng kwarto.

Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Nakakapagod ang araw n ito bukod sa puyat ay pagod din ako sa mahabang paglalakad ko. Bukas na lang siguro ako kakain.

~Im all yours Kharrian~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night with Rozen ElizaldeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon