Kabanata 4
March 1 2016 10:20 pm
Pagkatapos kong ligpitan ang kinainan ko ay pumasok ako sa kwartong inookupa ko, sinugurado ko munang nakandado at nakalagat ang tanikala ng pintuan bago ko isinalampak ang katawan ko sa matigas na higaan na nasasapinan ng karton.
Hindi ko naman nakasanayan na magkandado ng pintuan, pero ng aksidente kong namulatan ang malagkit na patitig ng pangalawang asawa ni Tita habang tulog ako at ang pinsan ko na sinisilipan ako habang nagpapalit ng uniporme.Chineck ko pa kung nasa ilalim ng unan ko ang mejo may kalakihan na balisong at cutter ko.
Hindi ko malimutan kung paano ako napunta dito. Naipatong ko na lang sa noo ko ang mga braso ko habang inaalala ko ang panahon kung paano ako napunta dito sa Tita ko.
Katorse anyos ako ng sapilitan iniwan ako ni Mama kay Tita Hilda, hindi kasi pumayag ang bago nyang asawa na hapon na isama ako sa pag balik nila sa Japan pero nangako sya na susustentuhan nya ako. Pero ni isang kusing wala akong natikman sa perang pinapadala nya. Alam kong pinapadalahan ni Mama si Tita Hilda ng pera pero hindi man lang ako naambunan. Kesyo mahal ang gastos sa pagkain at tinitirhan ko kesyo mahal ang bayad nya sa nakukonsumo ko.
"Bwisit! Nakalock na naman!" dinig ko ang mahinang sambit ng pangalawang asawa ng tiyahin ko. Napapikit na lang ako sa takot.
Alam kong may pangsangga ako kung magkagipitan pero hindi ko na alam kung hanggan kelan pa ako ligtas sa bahay na to.
Minsan hindi ako nakakatulog sa kakabantay kung may magpupwersa ba na buksan ang kandado ng pinto.
Hindi sila ganito dati pero nung mejo umedad ako ng disi otso ay saka nag iba ang init ng puson ng mga pakawalang dimonyo sa bahay.
Kaya matindi ang kapit ko kay Lord na sana hindi nya ako pabayaan. Gusto kong isumbat kay Mama kung bakit kaylangan nya akong itapon dito. Kaya ko naman mag isa basta ikuha nya na lang ako ng sarili kong matutulyan kaysa dito na para kong pain sa mga buwitre na uhaw na uhaw sa laman.Mabait naman si Tita Hilda dahil kahit minsan hindi nya ako pinagbubuhatan ng kamay ni hindi nya ako minaltrato. Maliban lang talaga sa mala-armalite nitong bibig nya na kapag nag umpisa na syang mag fliptop lalo na kapag talo sya sa paborito nyang hang out ang pagsusugal.
Nagbasa na lang ako bg mga aralin ko para mas advance ang nalalaman ko para hindi ako mahuli sa klase. Sayang naman ang pera ipinapaaral sa akin.
Dinalaw ako ng antok. Naalimpungatan ako sa malakas na pagpukpok na nagmumula sa pintuan. Tinignan ko ang relos ko pasado alas dose pa lang ng madaling araw.
"Tang inang yan! Ano bang kandado ang nilagay ng punyetang babaeng yun?" si Tito Ruben ang pangalawang asawa ni Tita.
Shit!
Kinuha ko sa ilalim ng unan ang balisong at cutter ko pinagtig isihan kamay ko. Handa na ako sa madugong laban. Hindi ko maatim na dumapo ang makalyo at kulubot nyang kamay sa katawan ko. Unti-unti ng umaagos ang luha ko. Inalis ko ang takot sa puso ko isa lang ang kalalabasan nito mamatay ako o sila ang mapapatay ko.
~Im All yours Kharrian~
BINABASA MO ANG
A Night with Rozen Elizalde
RomanceRozen Elizalde is one of the well known brothers of Elizalde Clan. Gwapo, mayaman at higit sa lahat gago kung magmahal, at ang maswerteng babaeng yon ay walang iba kung hindi si Coreen Samantha Aquino. Sinong hindi mababaliw sa isang Elizalde lalo n...