Kabanata 1

5K 41 0
                                    

applemansanas

KABANATA 1

August 11 2015

Tinatanaw ko ang malawak na tahanan ng mga Elizalde hindi ko alam kung ilang oras na akong nagbabakasakali na tumuloy, pero ito na lang ang nag-iisang solusyon sa problema ko.

Tinignan ko ang sarili ko, isang lumang damit ang suot ko habang nasa kanan parte ko ang dala kong bag na naglalaman ng mga gamit ko. Sa itsura ko pa lang naghuhumiyaw na ang estado ng buhay ko.

Katirikan na ng araw ang hinuha ko ay mag aalas-onse na ng tanghali, kumakalam na din ang sikmura ko. Tangin silong lang ng puno ng mangga ang lumililim saken, sapat na ang hangin na nang gagalin don para mawala ang init na nararamdaman ko.

Kita ko ang isang itim na kotse na lumabas sa marangyang gate nila, si Sir Noah siguro ang sakay nun.

"Hijah.." lumapit sa akin ang mejo may katandaan ng katulong. "..may hinahanap k aba? Pansin ko kanina ka pa nandito na nakatayo. Alam mo bang bawal yang ginagawa mo? Pwede kang kunin ng mga guard dito kung hindi ka pa aalis. Pero teka may sadya ka ba dito? Kung hindi ka lang mukhang inosente baka napagkamalan kitang kasabwat ng mga sindikato." Mahabang litanya nya.

"Ahm oho.. Isa ho ako sa mga scholar ng mga Elizalde, may gusto lang ho sana akong makausap.." hindi ko alam kung may anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ko masambit ang pangalan nya. Nakita ko din ang mapanuring tingin ng matandang tagapangasiw. ".. Sir Rozen Elizalde po." Ipinakita ko pa ang isang ID ko sa kumpanyang pinapasukan ko dati ang kumpanya ni Sir Dashiel.

"Sige pumasok ka muna.."

Binitbit ko ang bag na dala ko habang sumusunod ako sa matandang tiga pangasiwa.

Hindi ko alam kung tama bang hubarin ang mumurahin kong tsinelas bago ko iapak sa mamahaling marmol na sahig ng mga Elizalde, tinignan ko kung may naapakan akong dumi bago ko hinubad at inilagay sa isang tabi ng isang pintuan. Siguro naman walang pasaway na kukuha ng tsinelas ko.

"Sir. Maam Elizalde may naghahanap sa inyo.." nasa sala kami ngayon, kung kanina parang may kung anong parang may mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ko, mas trumiple pa ngayon. Parang may mga kabayong nagwawala sa dibdib ko. Kelangan ko na yata ang medic baka anumang oras ay bumulagta ako sa mamahaling sahig ng mga Elizalde.

"Anong maipaglilingkod namin sayo?" seryosong mukha ng Haligi ng mga Elizalde.

"Ahh ako po si Aril Ides isa po ako sa dati nyong s-scholar, kasalukuyan po akong nagtrabaho sa kumpanya ni Kuy--- este ni Sir Dashiel bilang assistant Secretary."

Halos mangliit ako sa kinatatayuan ko ng masuring tinititigan ako ng magandang Ina ng mga Elizalde.

"Are you pregnant?" hindi ko alam kung anong meron sa salitang binitawan ni Mrs. Elizalde ang nagpatigil sa paghinga at pagtibok ng puso ko.

"Opo."

AN: By the way maraming salamat sa mga bumabasa nito, sana walang umaway sa akin sa pag gawa ko ng storya ni Rozen Gaizer Elizalde talagang Avid fan lang ako ni Miss Jonaxx. Vote at comment lang po para mas ganahan ako sa pag uupdate.

~Im All yours Kharrian~

A Night with Rozen ElizaldeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon