KABANATA 2
"Ms. Ides 30 copies of this please, eto pa pakibigay sa financial department." Sabay abot sa akin ng makapal na papel.
"Ms Ides pakitimpla nga ako ng kape, alam mo na ang timpla ko di ba." utos naman ni Mr. Romano
"Ms. Ides pakitawagan ang tiga maintenance support please, nagloloko na naman ang computer ko."
"Opo.." sabay Dial sa office ng maintenance. Bago ko sinumulan ipaxerox ang mga papel na inabot sa akin ni Mrs. Yason. Nagtimpla din ako ng kape ni MR. Romano habang hinihintay kong iluwa lahat ng papel na pinapaxerox ko.
Dito ako nagt-trabaho sa kumpanya ni Kuya Dashiel, all around ang trabaho ko dito, alam kong wala ito sa kurso kong guro bilang isang Filipino Teacher sa Sekondarya na maging all around utusan ng mas nakakataas sa akin pero sinusunod ko. Para wala silang masabi sa akin.
Pagkatapos kong gawin ang pinag uutos nila ay ini-stapler ko ang trenta pirasong pahina na pinaxerox sa akin ni Mrs. Yason bago ko dinala sa financial department.
Pagbalik ko sa puwesto ko ay tambak na naman ang Gawain ko pasado ala una na ng pinagpasya kong kumain ng tanghalian.
Nakasalubong ko pa si Kuya Dashiel at ang kapatid nyang si Sir Rozen Elizalde, para silang mga Diyos na bumaba sa langit sa tindig at tikas nila kung maglakad at sa aura nila ay alam mo ng may sinasabi sa buhay. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa magkakapatid na Elizalde? Eh talk of the town ang magkakapatid na yon sa angking kagwapuhan at yaman nila. Bato na lang siguro ang hindi mahuhulog sa mga Elizalde.
"Aril!"
"Bakit po Kuy--- ay este Sir Dashiel?"
"Ngayon ka pa lang mag-lulunch?"
"Dash I need to go." Na una ng umalis si Sir Rozen habang may kausap ito sa telepono.
"Ahh opo madami pa po kasi akong tinapos na trabaho."
"Anong oras ba ang pasok mo?" tinignan pa ni Kuya Dashiel ang relos nya.
"Mga alas kwatro pa po may tatlong oras pa po akong bubunuin."
"Sige, galingan mo sa eskwela mo Aril, para sa scholar ng mga Elizalde. Oppps I need to go." Ngumiti muna sya bago nagmadaling pumasok sa elevator na pinagluwaan ko.
Mababait ang mga Elizalde lalo na si Sir Dashiel, na alala ko kung paano ako lumapit sa kanya para lang maipagpatuloy ko ang pagkokolehiyo ko kahit na may asawa sya ay ni minsan hindi ko nakitaan ng pagloloko. Si Sir Rozen naman ay ka-batchmate ko sa kolehiyo ang pinaka magastos sa magkakapatid kaya nya lang naman dalhin ang mga babae nya sa mamahaling mga hotel basta masatisfy lang nito ang gusto nya, kasama din ang mga kapatid nyang si Sir Noah sa pinaka seryoso sa lahat hindi ko alam kung saan sya humuhugot at Miss Reina ang pinakamabait at simple sa kanila minsang nagkakangitian kami pero hindi ko pa sya nakakausap kahit kelan.
Maswerte nga ako naging kaklase ko sa isang subject si Miss Reina kilala sila sa campus kung saan ako nag aaral lalo na si Miss Coreen Samantha Aquino.
~Im All yours Kharrian~
BINABASA MO ANG
A Night with Rozen Elizalde
Roman d'amourRozen Elizalde is one of the well known brothers of Elizalde Clan. Gwapo, mayaman at higit sa lahat gago kung magmahal, at ang maswerteng babaeng yon ay walang iba kung hindi si Coreen Samantha Aquino. Sinong hindi mababaliw sa isang Elizalde lalo n...